top of page
Search
  • BULGAR

Fuel subsidy sa trike driver at delivery rider, ‘natrapik’

@Editorial | October 02, 2023


Hanggang ngayon ay wala pa rin umanong natatanggap na fuel subsidy ang mga tricycle driver at delivery rider.


Ito ay ayuda na pinondohan ng gobyerno para mapagaan kahit paano ang pasanin ng mga drayber dulot ng mataas na presyo ng gasolina at diesel.

Ayon sa ilang tricycle drivers na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA), hanggang ngayon ay wala pang ibinibigay sa kanila na fuel subsidy matapos kunin ng lokal na pamahalaan ang kanilang aplikasyon, at wala rin silang natanggap na fleet card. Ganundin, ang mga delivery rider na nag-apply ng fuel subsidy.


Ito ay sa kabila ng pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kasama ang trike drivers at riders sa mga mabibigyan ng ayuda. Kung saan, nasa 900,000 tricycle drivers at 150,000 delivery riders ang inaasahang makakatanggap.


Tila natrapik ang ayuda na ayon sa LTFRB, wala pang ibinibigay na listahan ng benepisyaryo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI) na nakatoka sa mga tricycle driver at delivery rider.


Hindi magandang pangitain ang mabagal na kilos ng mga ahensya ng gobyerno. Sa halip na nakakatulong na sana, tila nakakadagdag pa sa iniisip ng mga drayber.


Sana, kung may pondo naman at aprubado na, huwag nang paabutin nang siyam-siyam, ibigay na agad para mapakinabangan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page