top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Friendship ng Bishop at pastor, nasira na dahil sa pulitika

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 16, 2022



WRONG TIMING ANG PAGLABAS NG PULSE ASIA SA KANILANG SURVEY–Isang araw matapos dumugin ng libu-libong mamamayan na naka-pink ang political rally ni presidential candidate, Vice-Pres. Leni Robredo ang Quezon Memorial Circle, naglabas ng survey ang Pulse Asia na kesyo 16% lang ang rating ni VP Leni sa kanilang survey at 60% naman si presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos.


Sa totoo lang, sablay ang timing ng paglabas ng Pulse Asia sa kanilang survey kaya’t binabansagan na naman silang ‘False Asia’ dahil hindi naman fake news ang video at mga larawang lumabas sa social media na marami ang dumagsa sa political rally ni VP Leni.


Kung nagpalipas muna ng isang linggo ang Pulse Asia bago nila inilabas ang kanilang survey, maaaring may maniwala pa, pero dahil wrong timing nga, pinuputakti na naman sila ng batikos ng publiko, period!

◘◘◘


PANDEDEDMA NI BBM SA INTERVIEW NG CNN, MAGPATAAS KAYA ULIT SA KANYANG RATING?–Kung may katotohanan ang survey ng Pulse Asia na 60% ang rating ni BBM, lumalabas na epektibo pala para sa kampo ni Marcos ang pandededma sa imbitasyong interview ni GMA network host Jessica Soho, DZBB radio at KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas).


Kahapon, nagpalabas na ng statement ang kampo ni Marcos na hindi nila sisiputin ang imbitasyong interview ng CNN network at kung sakaling sa susunod na may maglabas ng survey na mas tumaas pa ang rating ni Bongbong, isa lang ang ibig sabihin niyan, epektibo talagang dedmahin na lang ni BBM ang mga interview ng mga TV at radio network, abangan!


◘◘◘


MAGKAIBIGANG BISHOP AT PASTOR, NAG-AAWAY NA DAHIL SA PULITIKA–Binatikos ni Catholic Bishop Teodoro Bacani ang kaibigan niyang pastor na si Bro. Mike Velarde ng El Shaddai sa pag-i-endorso sa kandidatura ng BBM for president at Mayor Sara Duterte-Carpio for vice-president.


Hay naku, nang dahil sa pulitika at magkaibang paniniwala, pati ang magkaibigang bishop at pastor ay nag-aaway na, saklap!

◘◘◘


YORME, DEDMA LANG KAY P-DIGONG–Hanggang ngayon ay dedma pa rin si P-Duterte sa mga “papansin” sa kanya ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno na hinihingi ang kanyang endorsement para sa presidential election.


At dahil “no pansin” si Yorme kay P-Duterte, kaya’t ang hinihingi ngayon ni Isko ay endorsement ng taumbayan, at mangyari naman kaya na inindorso ng majority Pinoys kanyang kandidatura o makatikim na naman ng pandededma? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page