top of page

Friendship forever daw… AI AI AT KRIS, BATI NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2d
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 14, 2026



Ai Ai Delas Alas at Kris Aquino - Instagram

Photo: Ai Ai Delas Alas at Kris Aquino - Instagram



Nakaka-happy at nakaka-good vibes ang inamin ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa guesting niya last Thursday (Feb. 12) sa Fast Talk with Boy Abunda na nag-usap na sila ng ‘friendship’ niyang si Kris Aquino.


Kung matatandaan, sa last grand mediacon ng Batang Paco movie ni Ai Ai kasama si Empoy Marquez na showing on Feb. 18, natanong namin ang Comedy Queen kung napatawad na rin ba niya ang ‘friendship’ niyang si Kris bukod sa mister niyang si Gerald Sibayan na nanloko sa kanya.


Doon nga unang inamin ni Ai Ai na nag-message siya kay Kris, at bagama’t wala itong naging reply dahil malamang ay nagpalit na raw ng number, sinabi ng Comedy Queen na “Sana ay okay siya.”


At sa recent guesting nga niya sa show ng kanyang ‘amang’ si Tito Boy Abunda, nabigyan ng follow-up ang isyu at dito kinumpirma ni Ai Ai na nag-usap na sila ni Kris at bati na sila ngayon.


In fact, binati pa niya si Kris na 55th birthday ngayong Feb. 14.

“Happy birthday, Friendship!” ani Ai Ai sabay bati rin sa naging anak niya sa Tanging Ina movie series na si Heart Evangelista na kasabay ni Kris ay birthday din ngayon.


At nang kumustahin nga ni Tito Boy ang relasyon nila ni Kris, ani Ai Ai, “Okay kami. Nag-usap na kami. Sabi nga, time heals all wounds.”


Oh, ‘di ba?! I’m sure the best Valentine gift para kina Ai Ai at Kris ang pagbabati nilang ito dahil isang tinik sa dibdib ang parehong nawala sa kanila.



Kung si BBM, naging presidente lang daw dahil kay VP Sara… ATTY. TOPACIO: KIKO, HINDI NANALONG SENADOR KUNDI DAHIL KAY SHARON



SPEAKING of Valentine’s Day, humingi ng paumanhin sa amin si Atty. Ferdinand Topacio nang batiin namin kahapon ng “Happy Valentine’s” dahil wala raw silang ganitong okasyon sa Iglesia ni Cristo.


Nakausap namin si Atty. Ferdie sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ni Sir Wilson Flores kahapon dahil bilang chairman ng Citizens Crime

Watch, suportado nila ang isang 16-year-old na biktima umano ng rape na nagsampa ng kaso laban kay Julie “Dondon” Patidongan, ang state witness sa missing sabungeros na ibinibintang kay Mr. Atong Ang.


Tumugon ang Citizens Crime Watch sa idinulog na kaso ng abogado ng biktimang kinilala sa alyas na “Grace” na si Atty. Glessa Janolino dahil sa reklamo ng complainant na pinoprotektahan diumano ng DOJ si Patidongan dahil nasa kustodiya nila ito ngayon at nangangamba ang kampo ni Grace na baka maapektuhan ang resulta ng preliminary investigation.


Anyway, bukod sa naturang isyu, nahingi rin namin ang reaksiyon ni Atty. Ferdie sa controversial statement ngayon ni Megastar Sharon Cuneta na “mali ang choice” ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagpili kay VP Sara Duterte para maka-tandem last 2025 elections.


Hiningi namin ang opinyon ni Atty. Ferdie bilang supporter din siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ang maikli pero kumakagat na sagot ng famous witty lawyer, “Well, para sa akin, tama. Kasi in the same way na hindi nanalo si Kiko kung ‘di asawa niya si Sharon ay hindi mananalo si PBBM kung hindi niya ka-tandem si Sara. So, good choice. Parang good choice siya ni Kiko Pangilinan.”

Ay, na-publish! Charot! 


Well, may point naman si Atty. Ferdie at kahit naman siguro si Sen. Kiko, aminado na malakas ang hatak niya sa mga tao dahil sa karisma ng asawa niyang Megastar.



AND speaking of Sir Wilson Flores ng Kamuning Bakery, thankful kami sa kanya at sa kasamahan niyang spokesperson sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) na si Sir Eddy Cobankiat sa pag-tour nila sa members of the press last Thursday (Feb. 12) sa mga historical landmarks sa Binondo, Manila para ipakita ang Chinatown Revitalization Project Launching Phase II.


Ang proyektong ito ng FFCCCII na layuning pagandahin, muling buhayin at pagliwanagin ang mga makasaysayang lugar sa Binondo, Manila para mapanatili ang kultura at tradisyon sa pagitan ng mga Pinoy at Tsino ay suportado ng City Goverment of Manila, private sectors at nina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta.


Inasahan ng media ang pagdating ni FL Liza nu’ng Huwebes nang gabi, ngunit ang chika sa amin kung bakit hindi ito nakarating, mas pinili nitong kahapon na lang dumalo sa formal launching kasama si PBBM.


Sayang, balak pa naman sana naming tanungin si FL Liza kung nag-walking-walking din ba sila ni PBBM noong BF-GF pa lang sila sa Jones Bridge o kaya sa Yuchengco Plaza na tanaw ang MacArthur Bridge at nagsimba rin kaya sila sa Sta. Cruz Church o sa Binondo Church na binisita namin habang itinu-tour kami nina Sir Wilson at Sir Eddy.


At by the way, ha? Para sa mga wala pang idea sa Valentine date ngayong Feb. 14, may food bazaar d’yan sa Chinatown kung saan ang daming mapagpipiliang pagkain na very affordable at may mga puwede pang mabiling pampasuwerteng souvenirs kaya go na, kering-keri n’yo nang magkaroon ng memorable date d’yan, mga Ka-Bulgar!



LAST chikang nasagap namin, divorced na pala ngayon sina John Estrada at Priscilla Meirelles.


Sa panayam kahapon (Feb. 13) kay Priscilla ni Tito Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ng Miss Earth 2024 title holder na siya ang nag-file ng divorce sa Brazil.


Bagama’t dito raw sila ikinasal ni John sa Pilipinas noong Feb. 26, 2011, sa bansa niyang Brazil ipinarehistro ni Priscilla ang kasal nila ni John.


At dahil hindi naman Pinay si Priscilla kundi Brazilian, may karapatan siyang mag-file ng divorce para tuluyan nang tapusin ang ugnayan niya kay John.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page