top of page
Search
  • BULGAR

Friends na lang daw talaga sila ni Aljur… KYLIE, UMAMING MAY BAGO NANG LABS

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 28, 2022



Matapos makipaghiwalay sa asawang si Aljur Abrenica last year, may bago nang pag-ibig ngayon si Kylie Padilla.


Inamin ito ng aktres sa kanyang panayam sa podcast ni Nelson Canlas.


Sa naturang panayam ay diretsong tinanong si Kylie if she’s dating at diretso rin ang kanyang sagot.


“Yes, I am dating,” aniya.


Pero ayaw na niyang magbigay ng detalye tungkol dito.


When asked kung ready ba siya to have a blended family, sagot niya, “Ay, oo, blended family kami, eh.”


Pero malayo pa raw kung pag-aasawa niyang muli ang tatanungin.


“Huwag na muna, ine-enjoy ko pa,” she said.


Pero welcome naman daw sa kanya if ever na dumating nga sa ganu’ng stage na sila ni Aljur ay magkaroon na ng bagong pamilya.


“I’m really welcoming that with open arms kasi kung pure naman ‘yung love, sa amin, everybody even on his side, then, bakit hindi? ‘Yun naman ang importante. If we’re taking care of each other, loving each other and accept each other, why not?” she said.


Nagsalita rin siya about Aljur at aniya ay okay na okay naman daw ang relasyon nila ngayon.


“We’re friends, we’re good na,” sambit niya.


Ipinahayag din niya na gusto niyang maging happy si Aljur simply because he’s the father of her two kids.


“Gusto kong maging masaya siya kasi ‘yun din ang wish ko for me, eh,” sey niya.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page