Friendly game lang pero… TEAM NI GERALD SA ALL-STAR GAMES, NAMISIKAL DAW SA MGA THAI ACTORS NG GMMTV
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
by Janiz Navida @Showbiz Special | August 26, 2026

Photo: GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic
Hindi maka-move on ang mga fans ng mga Thai boy’s love (BL) series na naglaro para sa Team GMMTV sa All-Star Games 2026 ng Star Magic last Sunday kung saan nakalaban nila at tinalo sila ng Team Shooting Stars ni Gerald Anderson (team captain).
Grabe pa rin ang reaksiyon ng mga fans ng mga nagguguwapuhang Thai actors na dumayo sa SM Mall of Asia Arena – gayundin ‘yung mga tumutok sa livestreaming at replay online – ang dami nilang hanash sa mga local actors natin.
Isa na nga riyan ang pamimisikal daw nina Gerald Anderson at Ronnie Alonte sa ilang players ng GMMTV na dahilan umano ng paulit-ulit na pagbagsak ng mga ito.
May mga fans ding nakapansin ng pagiging pikon daw ni Ronnie. Obyus na obyus daw ang pagganti nito nang matulak siya ng isang player ng GMMTV. Ilang sandali lang ay binalya rin daw nito ang kalaban.
Ang naturang All-Star Games ng Star Magic kung saan naimbitahan nga ang mga sikat na Thai actors na binubuo nina Neo, AJ, JJ, Joss, Gawin, Ryu, Aston, Marc, Ping, at Teshow para makalaban ng Shooting Stars Team nina Gerald, Ronnie Alonte, JM Ibarra, Emilio Daez, River Joseph, Jeremiah Lisbo, Ashton Salvador, Argel Saycon, Elyson De Dios, Young JV, at Tristan Ramirez ay supposed to be friendly game lang daw.
Kaya naman maraming fans ang umaapela na bakit daw masyadong sineryoso at kinarir ng team ni Gerald ang game, to the point na nakasakit na nga raw sila ng mga Thai actors na iniidolo ng mga Pinoy fans.
Personal naming nasaksihan ang naturang basketball game at hindi naman talaga maiiwasang magkapisikalan at may mapikon lalo na kapag umiinit na ang laban.
Pero siguro, kung nasaktan man nang pisikal ang ilang Thai players, wala nang tutumbas sa emosyonal na sakit na naramdaman ng mga Filipino players natin, lalo na tuwing naririnig nilang ang mga nagguguwapuhang Thai BL actors ang tsini-cheer, sinisigawan at pinapalakpakan ng mga Pinoy fans at tuwang-tuwa kapag nakaka-score ang mga ito, habang tameme at parang hindi sila masaya at proud sa galing na ipinakita ng mga pambato nating Pinoy players.
Ang nakakabilib lang, iba talaga ang dedikasyon at puso ng Team Shooting Stars, dahil sa kabila ng kakaunting nag-cheer at naniwala sa kanila, ginawa nila ang kanilang best para magbigay-karangalan sa ating lahi.
Kaya kudos to Team Shooting Stars, lalo na sa kanilang team captain na si Gerald Anderson!
Mga pulitiko at mga misis ang suki… NECKLACE NA IBINEBENTA NI HEART, NASA P10 M DAW

May source kami na belong sa circle ng mga nasa alta-sosyedad ang nag-chika sa amin na pumapaldo pala ngayon si Heart Evangelista sa kanyang jewelry business.
Kaya naman pala ito ang kina-career ngayon ni Heart – although active pa rin naman siya sa TV hosting – ay dahil big-time ang kita rito ng misis ni Sen. Chiz Escudero.
Yes, mukhang seryoso talaga si Heart na isampal at ipamukha sa kanyang mga bashers na hindi niya kailangan ang pera ni Sen. Chiz, dahil in her own way, kayang-kaya niyang kumita nang milyones sa isang item pa lang!
And why not nga naman? Chika ng aming source, ranging from hundred thousand pesos to P10 M ang isang necklace na personal na idine-design ni Heart.
At siyempre, sino nga naman ang makaka-afford ng ganito kundi ang mga pulitiko o kani-kanilang asawa lang naman, na siyempre pa, ‘yung iba ru’n ay gusto ring maging fashionista tulad ni Heart.
Kaya ‘wag na raw talagang magtaka kung bakit naa-afford ni Heart ang sobrang luhong lifestyle dahil wais ang aktres, mapa-pagtanggap ng projects o negosyo man.
Well, good for her. At least nga, may katibayan siyang hindi galing sa pera ng bayan ang pera niya.
Pero kumusta naman ‘yung mga suki niyang pulitiko? Ay, ‘yun lang! Hahahaha!
Akala winner na, olats pa rin pala…
BEAUTY QUEEN, GUSTONG AHASIN ANG BIG TIME BUSINESSMAN SA KAPWA BEAUTY QUEEN, TINIKMAN LANG, ‘DI SINERYOSO
BLIND ITEM:
MAY kakambal yata talagang malas sa pag-ibig ang beauty queen na marami nang naging dyowa pero hanggang ngayon, single pa rin at hindi makatagpo ng guy na handa siyang pakasalan.
Pero ang tanong kasi, worth it ba naman para seryosohin ng lalaki ang beauty queen?
Ang ‘whispers from heaven’ (pahiram, Bea Alonzo) ng aming reliable source, knows naman ng beauty queen na dyowa ng kapwa niya beauty queen ang big time businessman na naka-date niya, pero in-aconda pa rin niya.
Kahit pa sabihing one-night stand lang naman ang naging tikiman nila at hindi na nga umulit sa kanya ang big time businessman dahil seryoso ito at mas mahal talaga ang GF na beauty queen, still, malinaw na may hidden agenda ang mala-anacondang beauty queen.
Akala niya yata ay masusulot niya ang big time businessman sa kapwa niya beauty queen at naka-jackpot na siya, pero ang ending, tinikman lang pala siya.
Aguy!!! Pera na, naging bato pa. Olats!






Comments