Freeze order sa mga bank account, iba pang ari-arian ni Quiboloy — CA
- BULGAR
- Aug 8, 2024
- 1 min read
Updated: Aug 28, 2024
ni Angela Fernando @News | August 8, 2024

Naglabas ng freeze order ang Court of Appeals (CA) laban sa mga bank account at ari-arian ng founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ibinaba ang freeze order ng appellate court laban sa 10 bank accounts, 7 real properties, 5 sasakyan, at isang aircraft ng pastor.
Kasama rin sa order ang mga bank account ng KOJC at ng Swara Sug Media Corporation, na nagpapatakbo ng Sonshine Media Network International (SMNI).
Ayon sa korte, nakita nila ang makatwirang dahilan upang maidikit ang mga bank accounts ni Quiboloy sa mga ilegal na gawain at krimen tulad ng qualified human trafficking, pang-aabuso, sex trafficking ng mga menor-de-edad, pandaraya, conspiracy, marriage fraud, smuggling, at money laundering.
Magiging agaran ang pagpapatupad ng freeze order na tatagal ng 20 araw.





Comments