top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Freddie Aguilar ginawaran ng Dangal ng Panitikan 2021 ng KWF

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | November 10, 2021




Ginawaran ng Dangal ng Panitikan ng 2021 ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) si Freddie Aguilar nitong Martes sa lungsod ng Makati.


Pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang paggawad ng mga parangal at pagkilala sa mga indibidwal na nagwagi sa iba’t ibang timpalak sa programang ‘Araw ng Parangal’.


Ayon sa KWF, malaki ang naging ambag ni Ferdinand “Ka-Freddie” Aguilar sa panitikang Pilipino at sa pagpapahalaga ng kultura sa pamamagitan ng kaniyang pagkanta.


Hindi personal na nakadalo ang singer at nagpadala na lamang mensahe sa pamamagitan ng isang video.


Matatandaang noong 2018 ay kinilala rin ang singer sa senado dahil sa Sining at Kultura kasabay ng ika-40th anibersaryo ng kanyang pinasikat na kantang “Anak”.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page