top of page

Francis Leo Marcos, inaresto habang naka-live

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25
  • 1 min read

by Mai Ancheta @News | February 25, 2026



Francis Leo Marcos Mangusin arestado sa kasong unjust vexation - NAPOLCOM

Si Norman Mangusin nang iharap sa media ng PNP-CIDG sa Camp Crame matapos maaresto sa Pasay City dahil sa kasong unjust vexation. Photo: NAPOLCOM



Arestado ang vlogger na si Norman Mangusin alyas Francis Leo Marcos matapos silbihan ng warrant of arrest habang kumakain sa isang hotel sa Pasay City nitong Martes dahil sa kasong unjust vexation.


Ang warrant of arrest ay inisyu ng Parañaque RTC Branch 294 kaugnay sa kasong 12 counts ng unjust vexation na isinampa ng kapwa vlogger nito na si “MG.”

Naka-livestream pa si Mangusin sa kanyang YouTube channel nang arestuhin ng mga otoridad.





Dinala si Mangusin sa Camp Crame at ipinresenta sa media.

Kinasuhan na rin ito ng NAPOLCOM dahil sa hindi otorisadong pagsusuot ng uniporme ng pulis.


Sinabi ni National Police Commission Vice Chairman Atty. Rafael Calinisan na marami na umanong nabiktima si Mangusin at ito ang simbolo ng kawalang hiyaan sa Pilipinas kaya dapat na mahinto na ito.


Bukod sa kinakaharap na kaso, iniimbestigahan na rin ang pagkakaroon umano ni Mangusin ng ilang pasaporte, at birth certificates pati na ang mga banta nito sa mga opisyal ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation na pagsasampalin niya ang mga ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page