top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

FRANCINE, NAG-YES NA KAY SETH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2024
  • 1 min read

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 12, 2024




Mainit ang naging pagtanggap ng mga Pinoy fans sa tambalang FranSeth nang mag-perfom sila sa Barrio Fiesta 2024 sa Dubai.


Hindi napigilan ng mga fans ang tumili at magpa-selfie sa kanilang love team. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang performance, biglang nagbigay ng red rose si Seth kay Francine Diaz na kinakiligan ng buong fans nila sa Dubai.


“Yes, yes, yes, ” ang sigaw ng mga Pinoy fans kasama si Seth para sa kanyang katanungan kung maaaring maging ka-date niya si Francine sa nalalapit na magical prom night ng ABS-CBN sa March 14, 2024.


Habang patuloy ang pagtili ng mga Pinoy fans abroad ay mas nadagdagan pa ito nang mag-“Yes” si Francine sa tanong ng ka-love team.


Samantala, patuloy ang suporta ng fans sa kanila at pag-abang sa mga puwede pa nilang maging movie this year. Mapapanood ang dalawa sa isang music video sa kantang “Muli” ni Ace Banzuelo na umani ng million of views.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page