top of page
Search
  • BULGAR

Francine, damage control lang daw ang pakikipagbati sa Orange and Lemons

ni Angela Fernando @News | May 5, 2024


Winakasan na raw nina Kapamilya star Francine Diaz at bandang Orange and Lemons ang naging 'eksena' nila sa isang event sa Occidental Mindoro kung saan sumingit diumano ang aktres sa dapat sana'y oras pa ng banda sa stage.


Nilinaw naman ng bawat kampo na isang malaking misunderstanding lang ang nangyari sa event at pawang speculations lang daw ng madlang pipol ang mga kumalat online.


Hirit ng mga netizens sa ‘X', ang bilis daw talagang maglinis ng kalat ng talent management lalo pa kung matunog ang pangalan ng kanilang mga alaga.


Sey pa nga ng tribu ni Mosang, damage control lang naman ang ginawa para hindi masira ang pangalan ni Francine dahil pumutok na sa mga social media platforms ang mga tsikang may attitude raw ito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page