ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 11, 2024
Photo: Lovi Poe - Instagram - BQ
At dahil usung-uso nga ngayon ang pagtakbo ng maraming celebrities natin sa iba't ibang posisyon sa gobyerno, natanong din namin ang actress-singer-turned movie producer na si Lovi Poe kung may balak din ba siyang pasukin ang pulitika tulad ng kanyang the late father na si Fernando Poe, Jr. (SLN), na tumakbong pangulo nu'ng 2004 pero hindi nga pinalad na manalo, at ng kanyang half-sister na si Sen. Grace Poe.
"Oh, yeah. Let's be honest, I'm pretty happy where I am now and this industry is for me," ani Lovi na tinutuldukan na raw ang konsepto ng pagpasok niya sa pulitika.
Kaya nga imbes makigulo sa mga tumatakbo ngayon, mas nag-focus si Lovi sa pagpo-produce ng pelikula via her Cest Lovi Productions, na ang unang commercial film na ilalabas in collaboration with Regal Entertainment na pinamamahalaan na ngayon ng mag-inang Roselle at Keith Monteverde, ay ang Guilty Pleasure.
Isa itong sexy drama kung saan gaganap si Lovi na defense lawyer na bagay sa kanya dahil malakas din ang personality ni Lovi at very smart.
Napanood na namin ang trailer ng Guilty Pleasure na showing na sa October 16 sa mga sinehan at masasabi naming ang daming sizzling scenes ni Lovi with JM de Guzman at Jameson Blake na mga leading men niya sa story.
First time nakatrabaho ni Lovi sina JM at Jameson, pero grabe ang mga eksena nila, na sabagay, pare-pareho kasi silang magagaling at professional kaya isipin na lang nating trabaho lang at walang personalan, hahaha!
Mula sa direksiyon ni Direk Connie Macatuno at distributed ng Regal Entertainment, don't miss watching Guilty Pleasure kung ayaw n'yong mahuli sa 'maiinit' na usapan!
Kani-kanyang takbo sa eleksiyon…
SEN. IMEE SA MGA ARTISTA: MAG-ARAL NANG MAIGI
Super-bongga ang bagong project-pa-contest ni Sen. Imee Marcos, ang Young Creative Challenge na makakatulong upang ma-inspire ang mga kabataan na ilabas ang kani-kanilang talent sa iba't ibang larangan ng sining.
Hold your breath… tigwa-P1 million lang naman ang prize ng mananalo sa bawat category tulad ng graphic novels, screenwriting, scriptwriting, music, animation, games development and online content!
Kaya sa mga kabataan nating may itinatagong talent, aba'y ilabas n'yo na 'yan at baka para sa inyo na ang P1 M sa bawat category na binanggit ni Sen. Imee.
Anyway, bukod sa bago niyang proyekto, nahingan din namin ng reaksiyon si Sen. Imee sa ginanap na Pandesal Forum kahapon sa Kamuning Bakery ng writer-businessman na si Wilson Flores tungkol sa iba't ibang issue na may kinalaman sa showbiz.
Una na nga rito kung ano'ng solusyon ang puwede niyang mai-suggest kaugnay ng kontrobersiyal na sexual abuse cases sa showbiz world.
Aniya, "Dapat hindi nakakaligtas. Dapat parusahan ang gumagawa ng ganyan. Alam natin, kung minsan, tinatanggap na lang. Alam natin 'yan ang kalakaran sa industriya, hindi 'yan tama. Lalaki man o babae, dapat magpataw ng kaso, panindigan, ipaglaban, talagang dapat may mahuli, dapat may sumagot.
"Yan ang problema kasi, tuluy-tuloy 'yan dahil walang nahuhuli, walang nagsusumbong, pangatawanan n'yo kung nabiktima kayo, kahit mahirap, kahit sinasabing nakakahiya, eh, talagang ipaglaban n'yo 'yang karapatan ninyo," panghihikayat pa ng senador sa mga nabibiktima.
Nahingan din siya ng reaksiyon sa pagtakbo ng maraming artista sa upcoming 2025 elections.
Aminado naman si Sen. Imee na malakas talaga ang recall 'pag sikat kaya gets niya kung bakit ang dami-daming gustong pumasok ngayon sa pulitika na mula sa showbiz.
"Mahirap kasing umikot, so may bentaheng malaki. Ang akin lamang, demokrasya nga ito kaya lahat ay tatakbo."
At ang payo niya sa mga taga-showbiz na nag-file ng Certificate of Candidacy (COC),
"Gamitin ang plataporma ng pulitika para makatulong sa tao. Mag-aral nang maigi, makinig nang puspusan at hindi lamang pansarili ang posisyon kundi serbisyo publiko talaga."
'Yun na!
Comments