Lagot daw kay Goma… JULIANA, PINAG-IINGAT KAY RICCI DAHIL BABAERO
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 10, 2026

Photo: FB Juliana Gomez & Ricci Rivero
Spotted na nagsa-shopping sa isang mall sina Juliana Gomez at Ricci Rivero, na ibinilang sa new showbiz couples kahit wala sila sa showbiz.
Hard launch daw sa kanilang relasyon ang ginawa ng dalawa dahil first time silang nakita na magka-holding hands habang naglalakad.
Makikitang nililingon ng mga netizens sina Juliana at Ricci habang naglalakad at nanatili silang magka-holding hands kahit may mga tumitingin sa kanila.
Marami rin silang nakasalubong na tao at nadaanan, kaya ibig sabihin, hindi nila itinatago ang anumang relasyon na mayroon sila.
Ayon sa mga netizens, nang pumunta sa Thailand si Ricci para i-cheer si Juliana, na miyembro ng Philippine Fencing Team, may relasyon na sila. Kaya lalong kinilig ang mga netizens at naalala nilang ibinuking ni Cong. Richard Gomez na may nanliligaw sa anak nila ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.
Nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) si Goma, nabanggit niya na may nanliligaw sa anak, dinala sa bahay nila at naka-dinner. Hindi nito binanggit ang pangalan ni Ricci at sinabi lang, “S’ya pala ‘yun.”
‘Kaaliw at nakakatuwa ang comment ng mga netizens sa basketbolistang si Ricci — wala na raw pala sila ng konsehala na taga-Laguna?
May nag-comment pa na nakailang GF na si Ricci at ngayon, si Juliana naman.
Kay Juliana naman, napunta raw siya sa babaero, mag-ingat daw siya at may ilang disappointed sa choice niya. May nagpaabot naman ng good luck kay Juliana, at may pumansin sa body language niya na parang uncomfortable siya.
Parang tinatakot si Ricci dahil si Goma nga ang ama ni Juliana. Lagot daw siya sa ama nito kapag sinaktan niya. May comment pang, “Turn ni Goma mag-ala-Mayor Cuneta.”
Sa dami ng mga comments, ibig sabihin, marami ang nakabantay kina Juliana Gomez at Ricci Rivero, lalo na kay Ricci, at kulang na lang sabihing, “Umayos ka.”
APRUB sa milyon na nakabasa ng book na My Husband Is A Mafia Boss (MHIAMB) sina Joseph Marco at Rhen Escaño, na gumanap sa role nina Ezekiel ‘Zeke’ Roswell at Aemie Romero sa Viva One adaptation ng libro.
Napalitan ng tuwa ang mga nag-alala na baka masira ang project na kanilang minahal kung ibang cast ang napili.
Hindi pa man nagsisimula ang taping ni Director Fifth Solomon dahil nasa workshop stage pa sila, marami na ang nag-aabang sa project na ito. Naging controversial ang project dahil wala na ang author nitong si Dianna Marie
Maranan o Yanalovesyouu na puwedeng konsultahin.
Pumanaw na ang author at isang kaibigan nito ang nanawagan sa Viva via open letter na piliing mabuti ang cast para hindi ma-disappoint ang mga fans ng libro.
Sa reaction ng mga fans, mukha namang hindi disappointed ang mga ito.
Present sa cast reveal ang parents at dalawang anak ng author, at ang mga anak na sina Kian at Cassandra ay may special participation sa series.
Nangako rin sina Joseph at Rhen at ang buong cast na gagawin ang lahat para sa magandang kalalabasan ng project. Binasa nila ang libro, pinag-aralan ang kanilang mga karakter, at nanood ng mga Mafia movies (ginawa ito ni Joseph).
Excited, kinakabahan, at pressured si Rhen, lalo na’t first lead role niya ito, pero sa suporta ni Direk Fifth at ni Joseph, alam niyang lalabas na maganda ang adaptation ng My Husband Is A Mafia Boss.
ANG talas ng mata ng mga netizens sa dami ng photos sa storycon at script reading ng The Kingdom: Magkabilang Mundo (TKMM), sina Cristine Reyes at Derek Ramsay agad ang napansin.
Mag-ex ang dalawa, pero sandali lang yata ang relasyon nila at kung hindi kami nagkakamali, first project nila ito together.
Confirmed na kasama sa TV adaptation ng The Kingdom (TK) si Piolo Pascual, na kasamang bida ni Vic Sotto sa original movie.
Bukod sa mga nabanggit, kasama rin sa cast sina Ryza Cenon, Nico Antonio, Art Acuña, at marami pang cast. Si Mike Tuviera pa rin ang director.
First series ni Piolo sa TV5 ang TKMM at tanong ng Kapamilya fans, lumipat na ba siya sa TV5? Remember, ang MQuest Ventures na sister company ng TV5 ang producer ng Manila’s Finest (MF). Co-producer din siya sa series ng anak na si Iñigo Pascual sa TV5 ng Philippine adaptation ng The Good Doctor PH via his Spring Films Productions company.




