top of page

Foreigner, hubo’t hubad na nagtatakbo sa riles ng MRT-3, arestado

  • BULGAR
  • Aug 12, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 12, 2021



Isang dayuhang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos na maghubo’t hubad at bumaba ng platform saka nagtatakbo sa riles ng MRT-3 ngayong Huwebes nang umaga.


Ayon kay Assistant Secretary Eymard Eje, OIC General Manager ng MRT-3, alas-5:35 ng umaga habang nag-iinspeksiyon ang mga security personnel sa mga pasahero ng MRT-3 sa Boni Station, kabilang na ang foreigner, bigla itong naghubad at tumalon pababa ng platform saka nagtatakbo sa riles patungo sa Shaw Boulevard Station.


Agad na hinabol ng apat na security staff ng Boni Station ang dayuhang lalaki at itinimbre na rin sa mga security personnel sa Shaw Boulevard Station.


Alas-5:42 ng umaga nakorner at nahuli ang foreigner saka ibinalik sa Boni Station para sa karagdagang imbestigasyon.


Dinala na ang dayuhang lalaki sa Mandaluyong Police Station habang inihahanda na ang isasampang reklamong Alarm and Scandal laban dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page