top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Food delivery riders, ‘di exempted sa health protocols

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2021
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 14, 2021



Dahil sa mga paghihigpit bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19, naging frontliners na rin ang mga food delivery riders, na inaasahan ng marami sa atin.


Sa kabila ng panganib na mahawaan, todo-kayod sila upang makapagserbisyo sa ating mga kababayan kahit buwis-buhay ang kanilang trabaho.


Gayunman, matapos makarating ang mga sumbong sa Philippine National Police (PNP) na may mga rider na hindi nakasuot o hindi tamang magsuot ng facemask habang pini-pick up sa restoran ang order ng mga customer o naninigarilyo sa waiting area, nagpaalala si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa food delivery riders na palaging sumunod sa public health safety protocols.


Upang mahigpit na maipatupad ang mga health protocols, inatasan ng opisyal ang chief of police at station commanders na makipag-ugnayan sa kani-kanilang LGUs at mga manager ng business establishments.


Bilin pa ng PNP chief sa kapulisan, maging magalang at obserbahan ang maximum tolerance sa pagsita sa mga rider bilang konsiderasyon din sa hirap ng kanilang trabaho.


Saludo tayo sa ating masisipag na food delivery riders dahil kahit wala pang pandemya, nariyan na sila at todo-serbisyo sa atin at ngayong may banta ng virus, lalo pa silang kumakayod. Gayunman, paalala lamang, kailangan nating magdoble-ingat habang nasa labas. Hindi natin dapat kalimutan ang mga umiiral na protocols, lalong-lalo na ang tamang pagsusuot ng facemask. Hindi lamang ito para sa inyong sarili kundi para sa kaligtasan din ng inyong kapwa rider at mga customer.


Pakiusap sa ating mga riders, iwasan na lang nating lumabag o magpasaway para iwas-sita. Tandaan na ang lahat ng pag-iingat na ito ay para sa lahat kaya walang exemption sa mga umiiral na batas.


Sa kabilang banda, pakiusap sa kapulisan, hinay-hinay sa pagsita at tiyaking may baon kayong mahabang pasensiya. Paalala, bukod sa pagtiyak na ang lahat ay sumusunod sa health protocols, dapat masiguradong walang gulo at nauunawaan natin ang isa’t isa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page