top of page
Search
  • BULGAR

Flexible work sa mga manggagawa, sagot sa matinding init

@Editorial | Abril 6, 2024



Patuloy ang pagtaas ng temperatura sa bansa, kasabay nito ang panawagan sa gobyerno na gumawa ng kaukulang hakbang para mapangalagaan ang mga manggagawa sa panahon ng matinding init.


Ang nasabing panawagan ay ginagawa na umano sa ibang bansa tulad sa United Arab Emirates (UAE).


Bagama’t sa ilang ahensya ng gobyerno, may mga nagpapatupad na rin ng flexible work arrangement. May mga kawani na puwedeng magtrabaho mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.


Ang trabaho naman tuwing Sabado ay mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.


At kailangan ding makipag-ugnayan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga nasa pribadong sektor para sa pagpapatupad din ng epektibong polisiya laban sa matinding init.


Maaaring magkaroon ng pansamantalang break sa trabaho o compulsory rest periods kapag umabot na sa danger level ang heat index.


Matatandaang nagbabala na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng “danger” level heat index, mula 42°C hanggang 51°C sa Metro Manila at iba pang rehiyon.


At ang hirit sa pamahalaan, ibaba ang heat index threshold sa 40°C, tulad ng ginagawa sa UAE kung saan nagpapatupad ng ‘work break’.


Sa pamamagitan ng break o flexible work arrangement, mapoprotektahan ang kalusugan ng mga manggagawa at maiiwasang mas malagay sa alanganin ang trabaho.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page