top of page

Flattering You, champ sa Juvenile C'ship at Runway wagi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2020
  • 2 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 15, 2020



Nagsipagwagi sa katatapos na 2020 Philracom Juvenile Championship ang Flattering You at sa Lakambini Stakes Race ang kabayong Runway na ginanap sa Philippine Racing Club Inc.(PRCI) Saddle and Club Leisure Park sa Naic,Cavite kahapon.


Nanguna ang Flattering You habang pumangalawa ang Kevlar, pumangatlo ang Luke Skywalker at pumang-apat ang Money Changer. Naorasan sa bilis na 1:40.8 ang Flattering You na nagkamit ng 1st prize na P1.2-M.


Nagkamit ng P450,000 ang Kevlar makaraang makuha ang 2nd place at nag-uwi ng P250,000 ang 3rd place na Luke Skywalker at tumanggap ng P100,000 bilang 4th place ang Money Changer. Sa umpisa ng karera kinuha ni King Tiger ang unahan habang pangalawa ang Meteora at Tiger Boy at hindi nagtagal makikita ang pagsungaw ng liyamadong Flattering You.


Pagsapit sa huling likuan inagaw ang unahan kay King Tiger habang paparating ang kabayong Kevlar. Pagsapit sa huling 50 meter nauuna pa rin ang Flattering You habang dumarating ng malakas ang Kevlar na siyang pumangalawa.


Samantala, itinanghal na banderang tapos ang Runway makaraang panalunin ang katatapos na Lakambini Stakes Race na ginanap sa naturang karerahan.


Naorasan sa bilis na 1:40 ang Runway at pumangalawa ang Radio Gaga at pumakatlo ang Cam from Behind at dumating na pang-apat na puwesto ang Calbayog.


Sa simula ng karera agad na kinuha ng Runway ang unahan habang nakasunod ang Radio Gaga at Calbayog at pagsapit sa huling likuan ay lumayo ang Runway nakasunod ang Radio Gaga at dumating na pangatlo sa Cam from Behind ay ang Zenaida at nakuha naman ng Calbayog ang pang apat na puwesto.


Nagkamit ng unang premyo na P600,000 ang 1st place na Runway at pumangalawa ang Radio Gaga na may P225,000 bilang 2nd place habang may P125,000 ang 3rd place na Cam from Behind at P50,000 sa 4thplace na Calbayog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page