top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Flat-chested kasi, Gerald... JULIA, PINAGTATAASAN NG KILAY, WA RAW 'K' MAGING PANTASYA NG BAYAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 21, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 21, 2020




Hinding-hindi na talaga babawiin ni Gretchen Barretto ang kanyang statement na para sa kanya ay mas maganda si Bea Alonzo kay Julia Barretto, kahit na pamangkin pa niya si Julia at kahit na minasama ito ng kanyang kapatid na si Marjorie, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos at nagkakabati.


Ang pagpanig ni Greta kay Bea ang naging sanhi ng gap nina Gretchen at Marjorie. Umabot pa nga ito sa pisikal nilang pag-aaway noong burol ng kanilang ama, na pati na sina Julia at Claudine ay nagkainitan din.


Kilala ng malalapit niyang kaibigan ang tigas ng loob ni La Greta. Mabait ito sa mga taong gusto at mahal siya. Respeto ang hinihingi ni Gretchen sa mga taong kanyang nakakasama, pero kapag siya ay binangga, kahit pa mismong mga kapatid niya ay lumalabas ang kanyang pagiging sutil!


Napaka-open ni Gretchen sa kanyang mga papuri kay Bea Alonzo. Kung ganda at ganda rin lang daw ay mas lutang si Bea sa ibang female stars ngayon. Kahit na ang kanyang pamangkin daw na si Julia Barretto ay walang panama kay Bea Alonzo.


Marami naman ang hindi makapaniwala na mas kakampihan nga ni La Greta si Bea kesa sa kanyang pamangkin na si Julia na nagkaroon ng issue dahil kay Gerald Anderson. Puring-puri ni Gretchen ang ganda at porma ng katawan ni Bea.


Dagdag naman ng ilang bashers, sobrang payat ni Julia Barretto at flat chested pa. Pinagtatakhan nga ng marami kung bakit pinagpapantasyahan ng kalalakihan si Julia.


Well, mukhang matagal pa bago magkakaayos sina Gretchen, Marjorie at Julia, lalo na kung walang sinuman sa kanila ang magpapakumbaba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page