top of page
FRANKLY - ANNOUNCEMENT SA PAGBUBUNTIS NI SARAH, INAABANGAN NA-IG _matteog.jpg

FL Liza, dating prof. sa university... PBBM, ginawaran ng honorary Doctor of Laws ng PLM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 50 minutes ago
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 28, 2026



Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinakamataas na honorary degree ng PLM - PBBM FB

Photo: Ang paggawad kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinakamataas na honorary degree ng PLM - PBBM / FB



Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinakamataas na honorary degree ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), ang Doctor of Laws, Honoris Causa, sa ginanap na commencement exercises ng unibersidad.


“Today, I stand before you, humbled as the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila confers upon me the degree of Doctor of Laws, Honoris Causa—its highest honorary degree,” wika ni Marcos sa kanyang talumpati sa 58th Commencement Exercises ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.


“I receive this honor with gratitude, mindful of the responsibility that comes with it,” dugtong ng Pangulo.


Ayon kay Marcos, ang pagkilalang ito ay nagpapatibay sa iisang adhikain ng kanyang administrasyon at ng PLM na ang edukasyon ay manatiling daan tungo sa oportunidad, tagapagpasulong ng pag-unlad, at pundasyon ng pagbuo ng bansa.


Sinabi rin ni Marcos sa mga nagtapos na ang tunay na halaga ng edukasyon ay hindi lamang nasusukat sa pagtatamo ng diploma o certificate.


Aniya, ang pagtatapos ng kolehiyo o pagsasanay ay higit pa sa pagkakaroon ng academic credential.


Ibinahagi rin ni Marcos na may natatanging lugar ang PLM sa kanilang pamilya dahil minsang nagturo ang First Lady Louise Araneta-Marcos sa College of Law ng unibersidad.


Aniya, nasaksihan mismo ng kanilang pamilya ang matibay na dedikasyon ng PLM sa paghuhubog ng mga susunod na henerasyon ng mga propesyonal na Pilipino.

Ang kasaysayan aniya ng PLM ay patunay na “talent is universal, and potential is found everywhere.”


“I therefore accept this recognition with a renewed commitment to uphold the values that this university has long championed: Karunungan. Kaunlaran. Kadakilaan. Wisdom, Progress, and Greatness,” dagdag niya.


Dumalo rin sa seremonya sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, at iba pang opisyal ng pamahalaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page