Fish kill, naitala sa Odiongan dahil sa matinding init

by BRT @News | October 8, 2026

Photo: Courtesy Rogelio F. De Juan Jr., Bantay Dagat
May mga namatay na isda sa ilang bahagi ng baybayin ng Odiongan, Romblon dahil sa matinding init at pag-init ng tubig-dagat dulot ng El Niño.
Apektado ang Barangay Canduyong at ilang bahagi ng Barangays Libertad at Gabawan.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, mas madaling maapektuhan ang mga isda sa mababaw na tubig kapag mataas ang temperatura, lalo na tuwing low tide.
Dahil dito, maaaring mapilitan ang mga mangingisda na pumalaot nang mas malayo para makahanap ng isda.
Mahigit 2,000 mangingisda at nasa 50 nag-aalaga ng isda sa palaisdaan ang maaaring maapektuhan.





Comments