First time lang nagkita, nag-da moves agad… EMAN, NIYAKAP AT BINESO-BESO AGAD SI JILLIAN
- BULGAR

- 8 minutes ago
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | November 26, 2025

Photo: JILLIAN_IG _emanbacosapacquiao
Mukhang matutuloy na ang tambalang Jillian Ward at Eman Pacquiao.
Kung pagbabasehan kasi ang naging reaksiyon at reception ng mga tao noong premiere night ng Kapuso Mo, Jessica Soho: Gabi ng Lagim, The Movie (KMJSGNLTM), tila may bagong pagkakaguluhan at mamahaling love team.
Bumibida sa isang episode ng trilogy movie si Jillian na sinorpresa ni Eman that night sa red carpet ng premiere.
Matatandaang naging very public nga sa pag-amin ang batang boksingero na showbiz crush niya ang magandang aktres.
Ang labis na ikinagagalak ng mga netizens ay ang tila mabilis na aksiyon ni Eman.
Sey ng mga naka-witness sa tila mala-smooth operator moves nito, “Hindi s’ya natakot o nahiya. Sa paglapit n’ya kay Jillian ay mabilis itong yumakap, may pagbeso at may pagbulong pa sa tenga ng aktres.”
“Lalaking-lalaki ang astahan pero swabe,” hirit pa ng ilang kilig na kilig.
ALTHOUGH marami ang nagtatanong kung bakit tila umano ‘delayed o late’ ang reaksiyon ni Cong. Arjo Atayde na mag-volunteer bilang resource person sa ongoing investigation ng ICI (Independent Commission for Infrastructure), may mga pumupuri pa ring supporters sa aktor-pulitiko.
Ang naturang pagboluntaryo ni Arjo na magsiwalat ng kanyang nalalaman sa maanomalyang flood control scandal ay hinahangaan ng kanyang mga supporters dahil iyon nga lang din daw ang makakapagklaro ng pangalan nito.
Matatandaang isa nga si Arjo Atayde sa mga mambabatas na nakasama sa mga diumano’y ‘nakinabang’ sa maanomalyang isyu na ikinagagalit nga ng sambayanan.
Wala akong kinalaman sa anumang katiwalian. Nakahanda akong magsiwalat ng aking nalalaman,” sey pa ng aktor-pulitiko.
SAMANTALA, marami ang naniniwalang nasa interesting stage na nga si Loisa Andalio after nitong hindi magpakita sa grand mediacon ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRR:EO).
Right after na pumutok ang engagement item nila ni Ronnie Alonte, bigla ring lumabas na nagdadalantao na ito.
Ayon sa mga nakatsika naming naging co-housemates din ng dalawa 10 years ago, talaga raw nakikita nilang mag-e-end up together ang dalawa. Wish nga nilang maimbitahan daw sila sa future kasalan na magaganap.
Sey naman ng ibang nakatrabaho nila sa last teleserye nilang Pira-Pirasong Paraiso (PP), “Naku po! Finally, may formality na. Happy kami for them dahil kapwa sila masipag at mag-partner talaga sila sa magagandang bagay lalo na sa negosyo. Importante ‘yun sa buhay.”
Kasama si Loisa sa mga bida sa first episode ng SRR:EO na 1775. Period piece ang kanilang episode kung saan nagsimula ang ‘evil’ na umabot sa susunod na episodes nitong 2025 at 2050.
Entry ito ng Regal Entertainment sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) this December sa direksiyon nina Shugo Praico, Joey de Guzman at Ian Lorenos.








Comments