top of page

First time… JOSHUA AT IVANA, NAGSAMA SA MOROCCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 15, 2025



Joshua Garcia at Ivana Alawi sa Love is Gone - IG

Photo: Joshua Garcia at Ivana Alawi sa Love is Never Gone - IG



Magtatambal sa unang pagkakataon ang Kapamilya stars na sina Joshua Garcia at Ivana Alawi para sa romance drama na Love is Never Gone (LING), ang kauna-unahang Filipino teleserye na kinunan sa Morocco.


Inanunsiyo ito last Thursday ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment sa isang video teaser kung saan ipinasilip na ang ilang eksena nina Joshua at Ivana na kinunan sa naggagandahang lokasyon sa Morocco.


Bukod sa kaabang-abang na chemistry nina Joshua at Ivana, makikita rin sa naturang teaser ang tila mainit na komprontasyon ng kanilang mga karakter.


Ipapalabas ang Love is Never Gone ngayong 2026. Iaanunsiyo naman sa mga susunod na linggo ang iba pang detalye tungkol sa serye.



TULAD ng nararamdaman ng halos lahat ng Pilipino, ikinalungkot din ni Richard Gutierrez ang malawakang anomalyang nangyari sa flood control projects, ngunit at the same time ay umaasa pa rin siya na magkakaroon ng magandang pagbabago.


“S’yempre, nakakalungkot, nakakatakot ‘yung nangyayari ngayon sa bansa natin but you know, I still have hope,” saad ni Chard nang makapanayam namin sa solo presscon niya for Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SR&R:EO).


“I have hope in our people, I have hope na there are still a few good leaders left who’ll help us out and run this country well,” dagdag niya.


At tulad ng iba, wish din ng aktor na magkaroon ng hustisya laban sa mga taong sangkot sa nangyaring pagnanakaw sa kaban ng bayan.


“Sana lang talaga, may managot sa mga ginawang karumal-dumal sa bansa natin dahil kahit ako, ‘di ko rin matanggap nang maayos, alam mo ‘yun?


“We all pay our taxes, you know, we all do our jobs, we wake up in the morning, we’re tired and you know, sana ‘yung government natin, nand’yan, helping us out, supporting us, and giving us what we deserve. And right now, hindi naipapakita sa atin ‘yun,” aniya.


“I just wish that everything will be well in the future,” dagdag niya.

Wish din ni Chard ngayong Kapaskuhan na mawala na ang corruption at maging masaya ang lahat ng Pilipino. Kasama rin sa kanyang Christmas wish na maging successful ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 kung saan ay kasama sa mga official entries ang SR&R:EO.


“Sana maging successful ang MMFF overall, sana maging successful ang Shake, Rattle & Roll, at sana maging masaya ang lahat ng Pilipino ngayong Pasko.


“Sana, wala nang delubyo, sana ay wala nang nakawan, at sana ay may peace and love tayo ngayong Christmas,” sey ng aktor.


As for his personal life, happy naman daw siya at wish lang niya ay good health for his family and friends.


Samantala, sobrang happy and excited ni Chard dahil ito ang kauna-unahan niyang Shake, Rattle & Roll. Pinagbibidahan niya ang third episode na 2050 with Ivana Alawi at mga young actors na sina Dustin Yu, Matt Lozano at Celyn David. Ito ay mula sa direksiyon ni Ian Lorenos.


“It’s a story about survival. Nandu’n ‘yung horror, nandu’n ‘yung jumpscare, pero we added a touch of action. Pero totally different action from Incognito and Iron Heart,” ang paliwanag ni Richard Gutierrez tungkol sa kanyang part.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page