First Lady Liza Marcos, iba pang asawa ng APEC leaders, nag-tour sa Thailand
ni Lolet Abania | November 19, 2022

Nakiisa si First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos sa mga maybahay ng mga economic leaders ng buong region para sa pagbisita sa isang pangunahing landmark sa Thailand, na kaugnay sa ginanap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Pinangunahan ni Naraporn Chan-o-cha, ang asawa ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha, ang tour sa Arts of the Kingdom Museum sa Ayutthaya.
Ayon sa APEC, kabilang sa mga exhibits na ipinakita ang mga Thai handicrafts at ang Duet Dance, kung saan idineklara bilang isang intangible cultural heritage ng UNESCO.
Una nang dumating sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza sa Bangkok nitong Miyerkules ng gabi.
Kasama rin ng Pangulo at First Lady ang ibang mga APEC leaders na naging audience sa pagbisita sa Thai King at Queen nitong Biyernes ng gabi.





Comments