top of page

Financial system ng 'Pinas, lalakas sa bultu-bultong ginto na nasa Bangko Sentral

  • BULGAR
  • Apr 29, 2022
  • 2 min read

at pribadong sektor


ni Ka Ambo - @Bistado | April 28, 2022


PATULOY pa rin ang pagsu-suplay ng Russia sa kanilang mga suki ng petrolyo at gas partikular sa Europe at India.


Ibina-blackmarket pa ang produkto ng Russia.


◘◘◘


ANG rubles o Russian currency ay ikinambal na rin ni Vladimir Putin sa gold.


Iyan ang original na monetary system bago ikinambal sa US dollars ang world financial system.


◘◘◘


NANG nakakambal sa gold ang financial system, nakaaangat ang Pilipinas sa buong Asia dahil ang palitan noon ay dalawang piso (P2) kontra sa isang dolyares.

Ngayon ay higit sa P50 ang palit sa isang dolyar.


Bundok-bundok ang gold sa Pilipinas kaya’t binansagang itong “Ma-I” ng mga Tsino.


◘◘◘


KUNG ikakambal ng Pilipinas ang piso o gagawa ng inobasyon o batas kaugnay ng imbentaryo ng gold bullion na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas bago ito ikambal sa halaga ng piso.


Bultu-bultong ginto ang nasa pangangalaga ng Bangko Sentral at pribadong sektor — kaya’t super-tatag ang piso, at lalakas ang financial system ng Pilipinas.


◘◘◘


ISANG halimbawa ng batas na dapat ipatupad ay eto: ang lahat ng ginto na makukuha sa minahan at ipinoproseso –ay dapat na manatili sa loob ng bansa sa loob ng 12-buwan bago ito ilabas ng bansa.


Ibig sabihin, puwedeng buwisan nang diretso o patawan ng butaw o anumang iskema ang dapat ipatupad kaugnay ng pag-iimbak ng gold sa loob ng Pilipinas.


◘◘◘


MARAMING lumalabas na ulat, at marami ring plataporma tungkol sa ekonomiya, pero bakit walang bumabanggit sa tone-toneladang gold na namimina sa Pilipinas?

Dapat itong busisiin at ilantad sa publiko — lalo pa’t humihiwalay ang world financial system sa dolyares ng US.


◘◘◘


ANG Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming ginto kumpara sa ibang bansa.

Mas marami pa ang nakabaon sa lupa at kailangang imina.


Tone-tonelada rin ang ginto na pag-aari ng mga Pinoy na nasalabas ng Pilipinas o naka-deposit sa ilang bangko sa Europe at malalayong lugar.


◘◘◘


PINAG-UUSAPAN ang bigas, simple lang ang solusyon upang maparami ang suplay.

Bungkalin gamit ang modernong heavy equipment ang mga panot na bundok.

Ibig sabihin, gawing rice terraces ang lahat ng bundok na kinakalbo ng mga korporasyon.


Gawing batas na ang gagastos sa pagbubungkal ay ang mismong mga korporasyong kumukuha ng mining permit at mining clearance sa Pilipinas.


◘◘◘


OBLIGAHIN ang lahat ng mining corporation na mag-invest sa rice farming na may industrial capacity — pinakamaliit ay 100 ektarya kada korporasyon.

Sa loob ng isang taon, puwede nang mag-export uli ng bigas ang Pilipinas, kasabay ng pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado.


Magkakaroon din ng trabaho at biglang yayaman ang mga magsasaka.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page