top of page
Gary V. - IG.jpg

Finance Sec. Recto, mapapalaban sa taas-presyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2024
1 min read

@Editorial | Enero 14, 2024


Pormal nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating House Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance. 


Umaasa hindi lang ang Pangulo kundi ang taumbayan na magagawa ng bagong Finance secretary na mapababa ang inflation sa bansa. Kung hindi man tuluyang mapababa ang halaga ng mga bilihin, sana ay mapabagal man lang ang taas-presyo. Hindi ‘yung grabe na nga ang price hike, magkakasabay ang mga produkto, non-stop pa.


Kasabay nito ang bilin na palakasin pa ang koleksyon sa mga buwis at habulin ang mga nandaraya sa pagbabayad.


Sa pamamagitan ng maayos na koleksyon ng tax ay mapopondohan ang mga programa at proyekto ng gobyerno.


Sabi nga ni Recto, ipinatitiyak niya sa kanyang mga opisyal na maabot ang target tax collection na P4.3 trilyon ngayong taon.


Bagay na sana’y maramdaman naman ng taumbayan. Nawa’y diretso sa mga programa at proyekto na kapaki-pakinabang at hindi sa bulsa ng mga korup.


Kaya tiyak na aabangan ang magiging diskarte ni Recto bilang bagong kalihim sa pagharap sa taas-presyo, isyu sa pagbubuwis at pagkalap ng pondo para sa ikaaangat ng bayan.


 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page