top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Final seat, target nang tunggain ng Gin Kings

BULGAR
Mar 27, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | March 27, 2022




Tatangkin ng Brgy. Ginebra na maselyuhan ang sariling serye kontra sa NLEX Road Warriors kasunod ng 2-0 na kalamangan, habang mas tumitindi pa ang hidwaan sa pagitan ng Magnolia Hotshots at Meralco Bolts na lumilikha ng panibagong rivalry sa liga sa pagratsada ng Game 3 ng best-of-five semis ngayong araw ng 2021 Honda PBA Governor’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Sakaling magtagumpay ang Gin Kings kontra Road Warriors sa main game battle ng 6:30 p.m., muling babalik sa finals ang Gin Kings at masusubok na madepensahan ang titulo na napanalunan noong 2019 edition, kung saan tinalo ang Meralco Bolts na sasabak sa dikdikang bakbakan laban sa Magnolia Hotshots sa unang laro ng 4 p.m. matapos maitabla ang serye sa 1-1 noong Biyernes sa bisa ng 81-75.


Subalit aminado si Kings head coach Tim Cone na hindi magiging madali na kunin ang panalo dahil inaasahan nitong hindi susuko ang grupo ni coach Yeng Guiao.

Nananatiling wala pa sa koponan si Japeth Aguilar na may calf injury at si Aljon Mariano na nagpapakondisyon pa. Subalit tiyak na sasandal muli kay Justin Brownlee, Scottie Thompson, LA Tenorio, Christian Standhardinger, Nards Pinto, Arvin Tolentino at Joe Devance. “I don’t think that way (closing out on Sunday). I know it’s gonna be tough, closing that game is hard, always hard, cause there’s a level of desperation inside the floor,” pahayag ng 64-anyos na 23-time PBA champion.


“We’re trying to get the first win. if we can get our first win, maybe the complexion is going to change. We’re not giving it up that easily. Hindi naman namin ibibigay ng ganun na lang,” saad naman ni Guiao na umaasang mabubuhayan pa ng opensiba ang kanilang import na si Cameron Clark na tumapos lamang ng 15 pts upang matulungan ang locals na sina Kevin Alas, Justine Chua, Matt Nieto, Don Trollano, Kris Rosales at Jr. Quinahan.


Magagamit ng Bolts ang nakuhang momentum na panalo para ipagpatuloy ang matinding laban sa Hotshots ng makabawi sa laro si Tony Bishop na kumana ng 22 pts, katulong sina Cris Newsome, Chris Banchero at Aaron Black.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page