Fil-Clarkson, tuloy ang Gilas campaign sa 2023 FIBA
ni Gerard Arce - @Sports | August 30, 2022

Walang dudang lalaro pa rin para sa Gilas Pilipinas si Filipino-American NBA star guard Jordan Clarkson bilang naturalized player sa darating na 2023 FIBA World Cup sa susunod na taon na co-hosted ng Pilipinas, Japan at Indonesia.
Siniguro ng Utah Jazz scoring guard na hindi niya tatalikuran ang kanyang responsibilidad sa bansa na paninindigan nito ang kanyang nasimulang paglalaro sa FIBA tourneys kahit na sino man ang maupong gagabay sa national basketball squad.
“We’re still have 360 days. We got some time to prepare and get ready for all of that,” pahayag ng 30-anyos na 6-foot-4 na unang beses naglaro sa Los Angeles Lakers kasama ang legendary guard na si Kobe Bryant.
Nasilayan sa unang pagkakataon sa FIBA tourney ang 2021 NBA Sixth Man of the Year awardee laban sa Lebanon nitong nagdaang Biyernes ng madaling araw.
Kumamada ito ng 27 puntos, 7 assists at 6 rebounds sa 81-85 pagkatalo kontra sa Cedars na pinamunuan ni Wael Arakiji na may 24pts at ang 7 mahalagang puntos sa mga huling yugto ng laro.
Kampante si Clarkson na may matibay na kinabukasan ang Gilas Pilipinas sa mga manlalarong nasa koponan na kinabibilangan nina 7-foot-2 center Kai Sotto, UP player Carl Tamayo at Dwight Ramos. “Seeing Kai Sotto, Carl, you know those guys right there, Dwight, they’re just talented players,” wika ni Clarkson na makakasama rin sina Japeth Aguilar, Scottie Thompson Chris Newsome, Calvin Oftana, Jamie Malonzo, Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks, at Roosevelt Adams.
Maaari ring mapabilang sa inilabas na listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa 24-man pool ng national squad sina Kevin Alas, Raymond Almazan, Francis Lopez, Arvin Tolentino, at Kevin Quiambao, habang si Jio Jalalon ay nagpapagaling sa hamstring injury.





Comments