top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Fil-Am Green, lider sa Worthy ng All-Stars, bigo sa Spurs

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 06, 2022





Malaking pagkakataon ang naghihintay para kay kabayan Jalen Green ng Houston Rockets at pinili siya ng alamat na si Coach James Worthy na maging manlalaro niya sa Clorox Rising Stars sa NBA All-Star ngayong Pebrero 18. Si Green ang inaasahang mamumuno sa Team Worthy at maraming aralin ang naghihintay para sa rookie mula sa isa sa tinuturing na pinakamahusay na forward ng Los Angeles Lakers mula 1982 hanggang 1994.


Haharapin ng Team Worthy ang Team Isaiah na hahawakan ng isa pang alamat na si Isaiah Thomas kung saan hindi na gagamit ng orasan at ang magwawagi ang unang aabot ng 50 puntos. Magtatapat ang Team Payton ni Coach Gary Payton kontra sa Team Barry ni Coach Rick Barry sa semifinals.


Ang dalawang mananaig ay maghaharap sa kampeonato na unahan sa 25 puntos para sa 75 puntos bilang paggunita sa ika-75 taon ng NBA. Ang mga magiging kakampi ni Green ay sina Cole Anthony at Jalen Suggs ng Magic, Josh Giddey ng Thunder, Herbert Jones Pelicans, Tyrese Maxey ng 76ers at MarJon Beauchamp ng G League Ignite.


Kumuha si Coach Thomas ng dalawang Detroit Pistons, na sina Isaiah Stewart at Saddiq Bey para samahan sina Precious Achiuwa ng Raptors, Desmond Bane ng Grizzlies, Anthony Edwards ng Timberwolves, Tyrese Haliburton ng Kings at Jaden Hardy ng Ignite. Umupo ang apat na alamat upang pumili sa listahan ng 12 rookie, 12 second year at apat na Ignite.


Samantala, binahiran ng San Antonio Spurs ang kasiyahan nina Jalen Green at ng Houston Rockets at tinambakan, 131-106. Nanguna sa Spurs si Tokyo 2020 gold medallist Keldon Johnson sa 28 puntos at sinundan ni Jakob Poetk na may 21 puntos.


Bumalik sa aksyon si Donovan Mitchell at hindi at nagsabog ng 27 puntos upang ipanalo ang Utah Jazz sa bisitang Brooklyn Nets, 125-102. Huling naglaro si Mitchell sa 95-101 talo sa Los Angeles Lakers noong Enero 17.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page