top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Fil-Am Clarkson, bumida uli sa Jazz, Randle at Barrett, nanambak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 19, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 19, 2021




Bumida muli si Filipino pride Jordan Clarkson sa panalo ng kanyang Utah Jazz kontra sa Denver Nuggets, 109-105, sa NBA kahapon sa Ball Arena. Ipinakita muli ni Clarkson kung bakit isa siya sa pinaka-maaasahang reserba sa liga sa pamamagitan ng lima sa kanyang 23 puntos sa 4rth quarter para sa ika-limang sunod na panalo ng Jazz at kartadang 9-4.


Lamang ang Jazz, 96-92, at inilabas at hindi binalik ni Coach Quinn Snyder si Clarkson na may 4:30 nalalabi at kumapit ng husto ang kanyang mga kakampi upang hindi dumulas sa kanilang kamay ang tagumpay. Gumawa ng 18 puntos si Donovan Mitchell kasama ang mga pandiin na puntos matapos umupo ni Clarkson.


Ang 23 ang pangalawang pinakamaraming puntos sa kasalukuyang torneo ni Clarkson na hinigitan lang ng 26 noong Enero 8 laban sa Milwaukee Bucks. Ang kanyang pinakamaraming puntos sa NBA ay 42 na naitala noong Pebrero 13, 2019 noong siya ay nasa Cleveland Cavaliers laban sa Brooklyn Nets.


Ibang enerhiya ang ipinamalas ng New York Knicks sa malaking 105-75 na tambak sa nangungunang Boston Celtics. Umarangkada ng maaga sina Julius Randle at RJ Barrett at hinawakan ng Knicks ang lamang sa buong 48 minuto at umabot pa ng 37 sa 4rth quarter, 101-64.


Naitala ni Randle ang 10 sa 20 puntos sa first quarter habang double-double din si Barrett na 19 puntos at 11 rebound para ika-anim na panalo sa 14 laro. Naglaro sa unang pagkakataon sa torneo si All-Star Kemba Walker galing sa pilay sa tuhod subalit hindi ito naging sapat sa gitna ng patuloy na pagliban ng kanilang numero unong scorer na si Jayson Tatum dahil sa protocol.


Tambakan din ang panalo ng Chicago Bulls sa Dallas Mavericks, 117-101, sa likod ng magandang ipinakita ni Lauri Markkanen na nagsumite ng 29 puntos habang may 21 puntos si Garrett Temple. Nasayang ang triple double ni Luka Donic ng Mavs na 36 puntos.


Nanaig ang New Orleans Pelicans sa Sacramento Kings, 128-123, at wakasan ang limang sunod-sunod na talo at umakyat sa 5-7. Nanguna para sa Pelicans si Zion Williamson na may 31 puntos, Brandon Ingram na may 22 puntos at Eric Bledsoe na may 21 puntos.


Samantala, idagdag na rin ang laro kahapon ng Philadelphia 76ers (9-5) at Oklahoma City Thunder (6-6) sa listahan ng mga napaliban. Bunga ng protocol, hindi makakabuo ng kailangang walong manlalaro ang bisitang 76ers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page