Fiberxers, inisahan ang Fuel Masters
ni Clyde Mariano @Sports | July 8, 2023

Tinalo ng Converge Fiberxers ang Phoenix Fuel Masters, 104-90, sa PBA Preseason on Tour sa Ynares Center sa Pasig City kagabi.
Hindi madaling dumaan ang Fiberxers sa matinding pagsubok bago nakuha ang pangalawang panalo sa anim na laro at umangat sa team standings kasosyo ang nagpapahingang North Port na natalo sa NLEX noong nakaraang Miyerkules. “Hindi kami makalayo at nagawa namin makawala sa second half nagpakawala ang mga gunners ko,” sabi ni coach Alden Ayo.
Sa kabila nang natalo sa huli nilang laro sa second running na Rain or Shine, 110-127, hindi nakitaan ang Fiberxers ng kababaang loob at tinalo ang LPG Fuel Masters at ipalasap sa Phoenix ang pangalawang sunod na talo matapos yumuko sa Blackwater, 90-92 noong nakaraang June 25. Tumipa si Jay Mendoza 26 points at dating NLEX Matt Nieto ng 20 points at siyam na rebounds, Kevin Racal 12 at K. Zaldivar sa 11 points na panalo ng Converge.
Si Mendoza ang namuno sa opensiba ng Converge katuwang sina Zaldivar at Nieto na nagbigay sa Converge ng 18 points na lamang, 94-76, apat na minutes at 34 seconds ang natitira sa laro. Si Manganti ay may 15 at 8 rebounds at Mocon 11 sa Phoenix pero nabigo na ikinalungkot ni coach Mike Jarin. Nalimita ang Phoenix top gunner ng single digit eight points at walong rebounds.
Huling lumamang ang Phoenix 32-26 sa basket ni Mocon. Rumatsada ang Converge sa pinagsanib puwersa nina Mendoza, Alec Stockton at Kevin Racal na inagaw ang lamang 49-41 at hindi na binitawan ang pamumuno. Bago naging double digit ang abante lumamang ang Converge 77-70 sa tres ni Kevin Racal matapos mag-error si Mocon.





Comments