top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Feeling special sa pagpa-file ng COC sa National position ang mag-amang Duterte

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 11, 2021



MAG-AMANG DUTERTE, FEELING SPECIAL SA PAGPA-FILE NG COC SA NATIONAL POSITION—Ang estilong ginawa ni Mayor Sara Duterte-Carpio, na pag-withdraw ng kandidatura for Davao City mayor para tumakbo sa national position sa halalan 2022 ay estilong ginawa rin ng kanyang ama noong 2016.


Dahil parehong ginawa ng mag-amang Duterte ang ganyang estilo, lumalabas na feeling special sila, ‘yun bang tipong ayaw nilang may nakakasabay sila na ibang kandidato sa pagpa-file ng COC (Certificate of Candidacy), mga pwe!


◘◘◘


LAOS NA ANG ISTAYL NI P-DUTERTE NA GINAYA NG KANYANG ANAK—Kung inaakala ni Mayor Sara na patok sa mga Pilipino ang ginawa niyang panggagaya sa istayl ng kanyang ama na kunwari ay ayaw tumakbo sa national position, pero gusto rin pala ay nagkakamali siya. Iba na ang sitwasyon noong 2016 presidential election, na ang mga Pinoy ay naghahanap talaga ng pagbabago sa pulitika kaya lang nang manungkulang pangulo si P-Duterte, at pagkaraan ay sabihing “joke lang” ang ilan sa kanyang campaign promise, tapos palpak pa sa pagtugon sa pandemya at mabaon sa utang ang Pilipinas sa kauutang ng Duterte gov’t. ay marami sa pro-Duterte ang mga nadismaya, nagsipag-anti-Duterte na.


‘Ika nga, laos na ang style ni P-Duterte na ginaya ngayon ni Mayor Sara kasi ang hanap ng mga Pilipino ay seryoso sa pagtakbo sa national position, at hindi ‘yung feeling special na kandidato, period!

◘◘◘


PATI SI BONG GO BIKTIMA NG “PANG-UUNGGOY STYLE” SA PULITIKA NG MGA DUTERTE—Isa sa mga pulitiko na seryoso sa pagsabak sa national position ay si Sen. Bong Go at nakita ng publiko na kahit pagka-vice-president ang tinakbuhan niya ay nakikipagsabayan siya sa mga presidential candidates sa pag-iikot para sabihin sa mamamayan na magiging working vice-president siya kapag nanalo, pero dahil sa pag-eksena ni Mayor Sara sa national position ay nagpahiwatig ang senador na posibleng umatras siya sa laban, kung paaatrasin siya ni P-Duterte at ng kanyang partidong PDP-Laban.


Kung maninindigan si P-Duterte at ang PDP-Laban na tuloy ang laban ni Bong Go, ikatutuwa siyempre ‘yan ng mga Bong Go supporters, pero kung papaatrasin siya, masakit ‘yan sa senador kasi lalabas na pati siya ay naging biktima sa “pang-uunggoy style” sa pulitika ng mga Duterte, boom!

◘◘◘


HINDI NA IKINABIGLA NG PUBLIKO PAGSABAK NI MAYOR SARA SA NATIONAL POSITION KASI PAGPASOK PA LANG NG 2021 AY IKINALAT NA ANG KANYANG NAME AT MUKHA SA ‘PINAS—Hindi na ikinabigla ng publiko ang pag-atras ni Mayor Sara sa kanyang re-election bid sa pagka-alkalde ng Davao City para tumakbo sa mataas na posisyon.


Noon pa man kasi ay alam na ng mga Pilipino na sasabak talaga sa mataas na posisyon si Mayor Sara, dahil January 2021 pa langay may mga DDS nang nagmo-motorcade ng “Run Sara Run” at ikinalat na ang kanyang pangalan at mukha na gawa sa mga tarpaulin at billboard sa buong Pilipinas, na indikasyong pang-uunggoy lang sa publiko ang madalas niyang sabihing for mayor lang siya at hindi siya tatakbo sa national position, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page