Feeling sobrang banal… MISTER NI IZZY NA SI ALVIN, DAPAT NA RAW MAGPA-PSYCHIATRIST
- BULGAR

- Feb 28
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 28, 2026

Photo: Instagram @izzytrazona_aragon
Nagtagumpay si Alvin Aragon na makuha ang atensiyon ng publiko nang magbitaw siya ng mga matatapang na pahayag kontra sa LGBTQIA+ community.
Marami siyang personalidad na nasagasaan dahil nagbanggit pa siya ng mga pangalan ng mga celebrities na may mga anak na lesbian at gay na dahilan din kung bakit siya naba-bash nang todo sa social media.
Mismong ang King of Talk na si Boy Abunda ay hindi nakapagpigil at pinatulan ang pang-aalipusta ni Alvin sa mga gays. Sa halip na maganda sana ang kanyang pagbabalik dahil sa exposure niya sa social media, umani siya ng mga negatibong komento mula sa iba’t ibang sektor.
Nasobrahan daw sa kanyang pagpapakabanal ang mister ni Izzy Trazona kaya marami ang nagsasabing dapat siyang magpakonsulta sa isang psychiatrist.
Sobrang payat…
ARA, MUKHA NANG ANOREXIC
Kapansin-pansin ang sobrang pagpayat ngayon ni Ara Mina, kaya labis na nag-aalala ang kanyang mga fans dahil mukha na siyang anorexic.
Bakit daw kailangan niyang magbawas ng timbang, eh, okey naman ang dati niyang pangangatawan?
Tuloy, marami ang nag-iisip na baka may mabigat na problema ang aktres kaya bumabagsak ang kanyang katawan. Mas okey na mabilog si Ara Mina dahil mas lumulutang ang kanyang sex appeal.
Anyway, baka naman sa sobrang pagtutok niya sa kanyang mga negosyo ay naapektuhan na ang kanyang kalusugan. Need din niyang mag-relax at magbakasyon.
At this point of her life, hindi niya kailangang magpaalipin sa trabaho. Stable na siya financially at may career pa.
HINDI pala si John Lloyd Cruz ang makakapareha ni Bea Alonzo sa bago niyang seryeng gagawin sa GMA Network kundi si Tom Rodriguez.
Matagal na kasing nagre-request ang mga Bea at John Lloyd fans na magkaroon sila ng reunion project, tutal ay nasa GMA pa rin si John Lloyd.
May ilang netizens naman ang nagsa-suggest na pagsamahin sina Marian Rivera at Bea Alonzo sa isang drama series. Tiyak na walang magpapatalo sa kanilang mga eksena.
Samantala, tiyak na paghahandaan nang husto ni Tom ang pagsasama nila ni Bea sa seryeng kanilang gagawin. Alam ng aktor kung gaano ka-intense umarte ang aktres dahil kinakarir ni Bea ang kanyang character at professional siyang magtrabaho. Hindi siya pa-diva sa set.
Magsisilbing challenge kay Tom Rodriguez ang makatambal si Bea Alonzo. Kailangang pantayan ang galing ni Bea bilang aktres.
MARAMING viewers ang nakaka-miss kay Janna Dominguez. Matagal-tagal din siyang hindi napapanood sa sitcom na Pepito Manaloto (PM) bilang si Maria, na kasambahay nina Manilyn Reynes bilang Elsa at Michael V. bilang Pepito.
Kahit medyo tatanga-tanga si Maria ay marami ang naaaliw sa kanyang role. Parang may kulang talaga kapag wala siya sa mga episodes ng PM.
Tulad ni Mosang, matagal na rin sa PM si Janna Dominguez. Okey ang tandem nina Mosang at Arthur Solinap. Natural na natural ang kanilang pagpapatawa kaya nagmarka sila sa comedy serye.
Gamay na gamay na sila nina Manilyn Reynes at Michael V. at magaan kasi silang katrabaho.
Well, patuloy ang pagkakamit ng tagumpay at pagkilala sa Pepito Manaloto bilang Best Comedy Show.




Comments