Feel na feel na, Rayver… JULIE ANNE, KILIG MUCH 'PAG TINATAWAG NA "MRS. CRUZ"
- BULGAR
- Jul 13, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 13, 2023

Proud na proud si Rayver Cruz nang in-address ng kanyang mga friends from the media bilang “Mrs. Cruz” ang girlfriend niyang si Julie Anne San Jose noong magkaroon ng mediacon via Zoom ang pelikula nilang The Cheating Game.
Hindi lang ang Kapuso actor ang kilig na kilig sa naturang tawag ng mga kaibigan sa media sa kanyang GF, maging si Julie Anne mismo ay ganu’n din ang naramdaman.
“Huwag na ninyong baguhin, ang sarap pakinggan,” hirit pa ni Ray (palayaw ni Julie Anne sa boyfriend na si Rayver).
Samantala, binanggit ng celebrity couple na daring at bolder ang mga roles na gagampanan nila sa kanilang first movie project na ipinrodyus ng GMA Public Affairs at GMA Films.
Base sa napanood naming trailer, aba’t mukhang totoo nga ang sinabi ng dalawa.
Matitindi ang aming mga nasaksihan na “sexy at intimate scenes” sa pagitan nina Rayver at Julie Anne, pati na rin with their co-stars na sina Martin del Rosario at Winwyn Marquez.
Ang The Cheating Game ay mula sa direksiyon ni Rod Marmol at original story ni Shao Masula.
Kasama rin sa nasabing movie sina Thea Tolentino, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Jose Sarasola, Phi Palmos at marami pang iba.





Comments