Fashionistang aktres, sobrang laking hat ang suot… HEART AT PIA, 1 TAO LANG ANG PAGITAN SA FASHION SHOW ABROAD, ‘DI PA NAG-USAP
- BULGAR

- Jul 12
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 12, 2025
Image: Heart Evangelista at Pia Wurtzbach-Jauncey - IG
Isang tao lang ang pagitan at muntik na namang magkatabi sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach nang um-attend sa The Robert Haute Couture Fall/Winter 2025/2026 Paris Fashion Week.
Galing sa Getty Images ang photo ng dalawa habang nanonood ng fashion show.
Curious ang mga netizens kung nagbatian o nagngitian man lang ang dalawa sa muli nilang “almost” pagkakatabi sa upuan.
Dahil pareho naman nilang nabanggit na wala silang isyu sa isa’t isa, kaya puwede silang magbatian.
Comment lang ng mga netizens, parang hindi nakita ni Heart si Pia dahil may suot siyang big hat na ang pagkakalagay ay nakatakip sa side ni Pia. Pero, puwedeng-puwede silang magbatian at magkaroon ng small talks kung wala silang isyu.
Naalala ng mga netizens, nangyari na ito sa isa ring fashion show na hindi lang nila matandaan kung Paris o Milan Fashion Week. Isang tao lang din ang nasa pagitan ng dalawa noon at seatmates na sila.
Sabi pa ng mga netizens, kung Filipina ang katabi nina Heart at Pia, siguradong maggi-giveway para magkatabi ang dalawa at nang makapag-usap sila para wala nang isyu.
Paalis si Kyline Alcantara for Italy para magbakasyon kasama ang ilang kaibigan at kasunod nito, pupunta rin siya sa Canada for a show naman kasama sina Ruru Madrid at Ai Ai delas Alas.
Hindi lang nabanggit ng kausap namin kung after Italy ay babalik pa sa bansa si Kyline o didiretso na sa Canada.
Ang sabi, end of July ang Italy vacation ng isa sa mga bida ng Beauty Empire (BE). Ibig bang sabihin, hindi siya dadalo sa GMA Gala na naka-schedule sa August 2? O, baka palilipasin ang GMA Gala saka aalis?
Gusto ng mga fans ni Kyline na hindi na siya um-attend sa GMA Gala para maiwasan daw na magkita-kita pa sila ng ex niyang si Mavy Legaspi, sister nitong si Cassy Legaspi at parents ni Mavy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Kaya lang, matagal na ang isyu nina Kyline at Mavy and by now, nakalimutan na nila ang pain na dala ng kanilang breakup.
Samantala, sa interview kay Kyline ni Nelson Canlas sa 24-Oras, without mentioning the name of Kobe Paras, sinagot nito ang tanong na “How is your heart now?”
Sagot niya, “My heart is good, it’s better now definitely, with the help of everyone around me.”
Ang follow-up question ni Nelson ay kung bakit hindi niya sinagot ang mga isyu tungkol sa kanya?
Aniya, “Because... nasaktan mo man ako, I will always show grace. And I will never fight back publicly and I will never speak up about what is happening in my private life because I do not owe the world my heartbreak, sa akin ‘yun.”
Ayon pa kay Kyline, hindi siya naniniwala sa revenge at nilinaw na public figure man siya, hindi siya public property.
“It hurts, it hurts so much, na parang napakadali ng mga tao na i-judge ako,” at sa sinabi niyang ito, ramdam ang sakit na naramdaman, hanggang ngayon pa yata.
In fairness kay Kyline, ang husay nitong sumagot, kaya proud ang mga fans nito sa kanya.
Bago matapos ang interview, humarap siya sa camera at in-assure ang viewers, lalo na ang kanyang mga fans na ‘wag siyang alalahanin.
“Baka strong woman ‘to,” tumawa saka nag-thumbs up.
Sa Beauty Empire, strong character din ang kanyang ipinapakita at magaling talaga siyang kontrabida. Pinuri nito ang co-star niyang si Barbie Forteza na mahusay daw, lalo na sa mata-mata acting.
IPINAGTANGGOL si Carla Abellana ng mga netizens sa nag-comment na ‘wag na siyang makisawsaw sa usaping-pulitika at mag-focus na lang sa kanyang mga inirereklamo.
Nag-comment kasi si Carla ng “Kaya sa mga politicians d’yan, flaunt pa more. Hindi naman masyado halata.”
Reaction ito ng aktres sa in-expose ni Senator Ping Lacson tungkol sa pork barrel na natanggap o matatanggap ng mga senador at congressmen.
Nag-react si Carla dahil bilyones ang napupunta sa pork barrel ng mga pulitiko at nag-agree sa kanya ang mga netizens.
May isang nag-comment na, “Carla, shut up,” bagay na hindi na kinailangang sumagot ni Carla dahil ang mga netizens na ang sumagot para sa kanya at umaway sa nagpapatahimik sa aktres.
Mabuti raw na “maingay” si Carla sa mga isyung ganito lalo na at gamit ang pera ng bayan. Pinuri pa nga nila ang aktres na ginagamit ang platform para magreklamo at mag-ingay kesa sa ibang celebrities na puro TikTok lang ang pinagkakaabalahan. Kung ordinaryong mamamayan lang daw ang magrereklamo, hindi papansinin. Kapag celebrity, may sagot agad, at sana, may aksiyon agad.










Comments