Fans, todo-pa-selfie… PIKTYUR NI KATHRYN NA LABAS-PANTY, DINAYO SA MALL
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 16, 2026

Photo: FB / Circulated
Ang daming nagpapa-picture sa tabi ng photo ni Kathryn Bernardo na kasama sa bagong Bench campaign at naka-display sa Bench stores sa mga malls.
Pinakamaraming nagpapakuha ay sa poster na nakababa ang pants ng aktres at kita ang kanyang underwear.
This is so far Kathryn’s sexiest and most daring pubmat, and her fans are loving it. Kita ang tiyan, abs at pati pusod ng aktres sa photo na ikinagulat ng lahat at obvious na nagugustuhan dahil ang dami ngang nagpapakuha ng larawan at hindi lang fans, pati non-fans nito.
‘Kaaliw basahin ang comment na mga misis mismo ang kumukuha ng picture ng kanilang mga mister. Ang iba, sumugod sa mall para makita, makunan at makapagpa-picture sa tabi ng display photo ni Kathryn.
Ang biruan ng mga fans, ano raw ba ang ipino-promote ni Kathryn sa bago niyang Bench campaign? Bench polo, T-shirts, pants o underwear? Kaya kung makikita ninyong nagkakagulo sa Bench stores, alam n’yo na ang rason.
Hindi naglalayo… DANIEL AT KAILA, TODO-HOLDING HANDS SA JAPAN
LUMIPAD pa-Osaka sina Daniel Padilla at Kaila Estrada para sa Summer Sonic 2026 na isang music festival. Tiyak na isa sa mga rason kung bakit nandoon sila ay dahil ang isa sa favorite band ng aktor, ang Jamiroquai ay isa sa mga performers.
London-based ang English acid jazz and funk band at sa Summer Sonic lang sila mapapanood ni Daniel, kaya hindi niya sinayang ang pagkakataon.
Nakapag-cheer din sina Daniel at Kaila sa SB19 at BINI na kabilang din sa mga performers sa nasabing music fest.
Hindi rin nakaligtas ang dalawa sa mga Pinoy na dumalo rin sa music fest.
Nagpakuha ng photo ang mga fans sa dalawa na kanila namang pinagbigyan.
Naalala ng mga fans ni Daniel na noong may shoot ng Incognito noong 2025 sa Tokyo, hindi pa magdyowa ang KaiNiel kaya madalas, hindi sila magkatabi sa group photos. Ngayon, sa Osaka, lagi silang magka-holding hands at hindi naglalayo.
Anyway, mapapanood sina Daniel at Kaila sa Season 2 ng Incognito. Tila sa Pilipinas lang ang kanilang location, unless may naka-schedule silang shoot sa ibang bansa.





Comments