top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Fans, mapagbigyan lang… SHARON, PAYAG I-GUEST SA YOUTUBE CHANNEL NIYA SI GABBY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2020
  • 2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | September 17, 2020




Nagri-request kay Sharon Cuneta ang mga fans nila ni Gabby Concepcion kung puwede nitong i-guest ang aktor sa kanyang YouTube channel. Sabi ng ilang fans na sinundan ng iba pa, kahit man lang sa YT channel, makita nilang magkasama ang dalawa.


Na-disappoint na nga raw sila na hindi natuloy ang reunion movie nina Sharon at Gabby, sana this time, kahit sa YT lang ay mapanood ang ex-couple.


In fairness kay Sharon, hindi agad-agad ni-reject ang request ng ShaGab fans dahil ang sabi lang, “Let us try. And tayo’y manalangin. Hahaha! Ask him kaya if payag siya?”


Kaya naman ang ShaGab fans, binisita ang Instagram ni Gabby at binanggit na nag-request sila kay Sharon kung puwede siyang i-guest sa YT channel nito at ang payo ni Sharon ay tanungin ang ex-mister. Sunud-sunod na ang nag-request kay Gabby na sana, pumayag siyang mag-guest kay Sharon.


Kaya lang, busy din si Gabby sa kanyang sariling YouTube channel na bago pa lang at tinawag niyang “Gabby Experience.” Hindi pa siguro nababasa ni Gabby ang request ng mga fans nila ni Sharon.


Maganda nga kung pagbibigyan ni Gabby si Sharon, mag-exchange deal sila na pagkatapos mag-guest ni Gabby sa YT channel ni Sharon, si Mega naman ang magge-guest sa YT channel ni Gabby. Ang saya siguro ng ShaGab fans ‘pag natupad ito dahil twice nilang mapapanood ang dalawa.


Speaking of Gabby, wala pa itong pahayag sa pagba-backout ni Marian Rivera sa First Yaya. Tinext siya ng aktres para magpaalam, pero wala pang pahayag si Gabby. Wala pa ring inilalabas na official statement ang GMA Network kung itutuloy pa ang project, kung papalitan ba si Marian ng ibang aktres o kung hindi muna gagawin ang project at bigyan muna ng ibang show si Gabby.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page