Fans, kaya ‘di na kinikilig… HEAVEN AT MARCO, NAPILITAN LANG MAGSAMA ULI PARA SA TRABAHO
- BULGAR

- Jun 29, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 29, 2025
Photo: Heaven Peralejo at Marco Gallo - IG
Magkasama sina Marco Gallo at Heaven Peralejo, pero hindi date kundi sa isang endorsement, kaya hindi kinilig ang mga fans.
Kahit magkatabi ang dalawa, nagtititigan at parehong nakangiti, hindi pa rin kinilig ang mga fans.
Ang feeling ng mga netizens, napilitan lang ang dalawa dahil trabaho at baka nakapirma na sila ng kontrata bago pa nabalitang break na sila.
Hanggang hindi nila nakikita sina Marco at Heaven sa isang lugar na hindi para sa trabaho, hindi raw muna kikiligin ang kanilang mga fans.
Ang hirap pasayahin ng mga fans, pero tama naman sila, saka na sila kikiligin kapag solid na ang ebidensiya na maayos na uli ang kanilang relasyon.
Marjorie at isa pang brother, kaaway…
CLAUDINE, NAKAHANAP NG KAKAMPI SA UTOL NA SI JJ
May kakampi naman pala si Claudine Barretto sa kanyang mga kapatid, hindi lahat ay kanyang kaaway.
Kung matatandaan, kamakailan ay nagsalita si Claudine na posible niyang idemanda ang kapatid na si Mito Barretto dahil sa mga banta nito sa kanyang buhay habang may conflict na naman sila ng isa pang kapatid na si Marjorie Barretto.
Isa sa mga maka-Claudine sa kanyang mga kapatid ay si Joaquin “JJ” Barretto at post nito: “I will be here forever at your back. I’m so proud of you that you are a fighter... I LOVE YOU SO MUCH.”
Sagot ni Claudine sa post ng kuya niya, “I love you, J. Thanks for protecting me always love you much,” at “ I love you, my kuya.”
Nagpasalamat ang mga fans ni Claudine kay JJ sa pagmamahal sa aktres. Tinawag siyang best brother at pinuri siya sa pagiging balanse niya sa kanyang mga kapatid.
Sa ibang posts ni JJ, kasama niya ang iba pa nilang kapatid at mga pamangkin pati ang mom nilang si Mommy Inday. Wala si Claudine sa mga family events ng Barretto at wala rin ang mga anak niya.
Speaking of Claudine, sabay ang birthday celebration ng mga anak na sina Sab at Quia Barretto. Nakakabilib ang pagpapalaki niya at pag-aalaga sa mga anak. Pinangakuan niya ng patuloy na pagmamahal, pag-aalaga at suporta ang mga ito.
POST-BIRTHDAY celebration ni Debbie Lopez ang grand presscon niya this Sunday at launching na rin ng single niyang Ang Higugmaon Ka (AHK).
Ang taray ng paalala nito na, “No invitation, no entry.”
Hala!
Mas marami ang invited guests ni Debbie ngayon than her first presscon at siya raw ang naghanda ng guest list. Of course, sa tulong ni Beth Gelena na good friend ni Debbie.
Naaalala namin sa first presscon ni Debbie, kabilang sa mga kinanta niya ang Pretty Boy (PB) ng M2M at walang exagg, it is one of the best versions of the said song.
Ang ganda ng pagkakakanta ni Debbie sa song at sana, kantahin niya uli sa presscon niya mamaya.
Anyway, nag-acting workshop si Debbie sa Ogie Diaz Acting Workshop. Kasama siya sa Batch 162 at proud sa natanggap na Certificate of Participation. Ibig kayang sabihin nito, may plano siyang pasukin ang acting?
Malalaman natin sa grand presscon niya mamaya at matatanong din kung ano’ng role ang gusto niyang gampanan sakaling may acting offer na dumating.
Dedma na sa GF?
HERBERT, ‘DI BINATI SI RUFFA SA B-DAY
BINIGYAN ng birthday surprise si Ruffa Gutierrez sa set ng Beauty Empire (BE) na ikinatuwa at ipinagpasalamat nito. Sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara pa ang nagdala ng birthday cake sa kanya.
“Celebrated my birthday on the set of BEAUTY EMPIRE. The cast, production team & crew surprised me on the set while I was doing voice overs. So sweet!! Love you all from the bottom of my heart. Ano’ng birthday wish n’yo for me?” post ni Ruffa.
Parang walang sumagot sa tanong ni Ruffa kung ano ang birthday wish ng kanyang mga followers sa Facebook (FB) at lahat ay bumati lang ng happy birthday sa kanya.
Ang inabangan ay ang birthday greetings ni Herbert Bautista, wala nga lang nabasang pagbati nito para kay Ruffa. Naisip na lang ng mga netizens, baka in private ang birthday greetings ni Herbert sa kanya.
Wish din ng mga netizens, sana okey na ang dalawa at nakapag-usap na. Sa guesting kasi ni Ruffa Gutierrez sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), nabanggit na hindi sila nag-uusap ni Herbert Bautista.










Comments