Fans, game magbenta ng kidney makapanood lang… TIKET SA CONCERT NINA REGINE AT VICE, P15K
- BULGAR

- Jun 26, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 26, 2025
Photo: Regine V Alcasid at Vice Ganda - Instagram
Nag-uunahan na ang mga fans na makabili ng tiket para sa two-night Super Divas (SD) concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda happening on August 8 & 9. Keber kung mahal ang tiket dahil ‘yung platinum na pinakamahal ay P15,000 thousand.
Ang pinakamura ay P500 sa General Admission.
May collab single sina Regine at Vice na SD to promote their concert and the single will be released tomorrow, Friday, June 27.
Composed by Vice Ganda and Jonathan Manalo and produced by Jonathan Manalo and Rox Santos, magugustuhan ang song na may pasilip si Regine sa kanyang Instagram (IG).
Ipinost ni Regine ang ilang lines ng song, “It’s giving star, giving icon, giving legend, giving power! Channel your inner diva with Vice Ganda and Regine Velasquez’s collab single dropping this Friday on all streaming platforms!”
Nakakatuwa ang ibang mga fans na nagbiro na para makabili ng tiket sa concert, nag-advertise na for sale ang organ niya, from kidney, liver, lungs. Healthy daw siya at bata pa.
Of course, nagbibiro lang ang mga fans na mas nainggit dahil may mga nag-comment na nakabili na sila ng tiket.
SABI ni Kyline Alcantara, hindi siya makukumbinse ni Barbie Forteza na tumakbo dahil ayaw niyang mapagod. Kung sasama man daw siya kay Barbie, hindi siya tatakbo na gaya ng ginagawa ng co-star niya sa Beauty Empire (BE) at ipinakita pa ang gagawin niyang pagtakbo na parang naglalakad lang.
Well, kinain din ni Kyline ang kanyang sinabi dahil last Sunday, kasabay na siya ni Barbie na tumakbo, kasama nila sina Jerald Napoles, ang fiancée nitong si Kim Molina at si Kim Atienza. Hindi nila nakasama si Alden Richards na kababalik lang from the States.
Hintayin nating tumakbo na rin si Ivana Alawi na nagsalita na rin na hindi siya tatakbo kahit niyaya ni Barbie. Bukod sa ayaw mapagod, ayaw din ni Ivana na mainitan at pagpawisan. Malay natin at mainggit siya kina Barbie at Kyline at sumama na ring tumakbo.
Speaking of Barbie, may mga na-disappoint nang aminin niya sa interview na love team at friends lang sila ni David Licauco. Inisip ng BarDa (Barbie at David) fans na more than friends na sila dahil laging sweet kapag magkasama. Kaya lang, nagpakatotoo si Barbie, alangan namang lokohin nila ang mga fans kung hindi naman talaga sila.
Ayaw din niyang magpaasa at ganu’n din si David. Ayaw lang tanggapin ng ibang mga fans na love team at friends lang sila sa ngayon. May mga fans na ang paniniwala ay may something talaga ang BarDa, at wala nang magagawa sina Barbie at David dito.
INAABANGAN ang mga kaganapan sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition at kung sino ang bubuo ng Final 4 Duos.
Ikinatuwa ng mga supporters ng RaWi Duo nina Ralph de Leon at Will Ashley na sila ang nakapasok sa second slot ng Big 4 nang manalo sa first big jump challenge. Napasigaw si Ralph nang i-congratulate sila ni Kuya at si Will naman, napaluhod at naiyak pa.
Nang mahimasmasan, nagpasalamat ang dalawa na mapasama sa Big 4.
Sobrang grateful at blessed at happy naman si Will dahil after ilang months, kasama sila sa duo na lalaban sa finale.
Para sa mga supporters ng RaWi Duo, deserve nila ang mapasama sa Big 4 lalo na at physically and mentally taxing ang Big Jump Challenge na ginawa nila with the other duos.
By this time, napili na ang 3rd Duo na makakasali sa Big 4 among AzVer Duo, DustBi Duo at BreKa Duo.
Sa July 5 ang final at malalaman na kung sino sa Big 4 Duo ang mananalo ng tig-P1 million each.
Ang wish ng RaWi supporters, kapag nagtapos na ang PBB, magkaroon ng project together sina Ralph at Will. TV series man o pelikula, matutuwa sila na mapanood ang dalawa na magkasama.
Nanawagan sila sa ABS-CBN at GMA na mag-collab ng projects for the PBB housemates na tiyak daw na maghi-hit.










Comments