Nasampulan ng Higop King… IVANA, HINIGOP NI JOSHUA SA HALIKAN NILA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | January 21, 2026

Photo: Joshua Garcia at Ivana Alawi sa Love is Never Gone
Ay, marami rin ang nagsasabing kakaiba ring mag-confirm ng ‘kiss’ si Ivana Alawi.
Sa latest interview kasi rito ay tahasan nitong kinumpirma na ‘Higop King’ pagdating sa halikan ang mahusay at guwapong aktor na si Joshua Garcia.
May ginagawang project ang dalawa at isa nga ang halikan nila na bahagi ng kanilang mga roles.
Wala raw awareness si Ivana hinggil sa paraan ng pag-kiss ni Joshua na inamin niyang showbiz crush niya. Pero laking-gulat nga raw niya nang kunan na ang eksenang may kissing scenes sila ay napatunayan niyang totoo raw pala ang tsismis. Na ibang klaseng humalik si Joshua dahil higop kung higop daw ang ginagawa nito sa kahalikan.
Ang ending tuloy, hayan at marami na naman ang na-curious sa pagiging ‘hunk’ ni Joshua Garcia lalo’t isang Ivana Algawi na may sexy image ang nagkukuwento.
Kapag inggit, pikit. Hahaha!
Marami ang nagulat kung bakit mukhang nasentro kay dating Senador Bong Revilla ang usapin sa flood control.
Kusang sumuko sa awtoridad si Sen. Bong dahil sa mga naglabasang balita na mayroon na itong ‘warrant of arrest’ na anytime ay handang i-serve.
Ayon sa aming nakausap na malapit sa pamilya, walang balak tumakas o lumabas ng bansa ang aktor-pulitiko kaya’t hindi raw nila papatulan ang mga bashing hinggil sa hold departure order para rito at iba pang nega bashing.
“Binanggit lang ng isang taga-DPWH (Department of Public Works and Highways) ang name niya tungkol sa Bulacan flood control project, wala pang maayos na imbestigasyon, wala pang proseso and everything, pero kung paniniwalaan ninyo ‘yung mga naglalabasang balita, tila ba nahatulan na s’ya? S’ya na talaga ang isinesentro ng mga usapin?
“Teka lang naman, ganito na ba talaga ang labanan sa gobyerno ngayon?” bahagi pa ng pagtatanong ng mga supporters ni Sen. Bong.
“Wala naman kaming tutol kung may basis at pinanggagalingan na proof at tamang imbestigasyon, pero naman, hello sa mga nasa posisyon at may iba pang mas higit na damay sa kaso, ano ang ginagawa sa kanila at bakit kay Sen. Bong ninyo tila isinisisi, ibinibintang at s’ya lang itong nais ninyong papanagutin?” dagdag pa nila.
Obyus na ‘di nawala ang love sa isa't isa…
MARK ANTHONY, KILIG NA KILIG SA PAGBATI NI CLAUDINE
BUHAY na buhay ang mga fans nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez dahil sa kilig na kanilang na-feel nang dahil sa birthday greetings ni Clau sa first love niya.
Winner na winner naman kasi ang ginawang pagbati nito kung saan inilarawan pa niyang hindi niya makakalimutan si Mark bilang nagbigay ng maraming first sa kanya, including some heartaches…
Pero dahil sa magandang pagkakasalansan ni Clau ng mga salita para sa dating ka-love team at first love, marami ang kinilig at umaasang sana nga raw ay magkaroon ng bagong chapter ang love affair nila.
Sa nabalitaan naman naming reaksiyon ni Mark, tila kilig na kilig pa rin ito sa pagbati ni Claudine.
Magkasama ang dalawa sa Totoy Bato (TB) series sa TV5 at kung nasusubaybayan nga raw ninyo ang madalas nilang hirit sa mga vlogs at Tiktok, masasabi mo ngang hindi nawala ang pag-ibig nila sa isa’t isa.
First love never dies daw talaga sa kanila.








Comments