top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Fake news sa pertussis, stop!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2024
1 min read

@Editorial | Abril 2, 2024


Hindi rin nakalusot sa fake news ang sakit na pertussis tulad nang nangyari sa kasagsagan ng COVID-19 na nagdulot ng kalituhan at takot sa mamamayan.


Kamakailan nang kumalat online ang impormasyon na magkakaroon daw ng lockdown sa ilang lugar sa Cavite dahil sa pertussis.


Agad naman itong pinabulaanan ng Cavite City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Itinanggi nila ang ulat na mayroong kaso ng pertussis sa lungsod at wala rin umanong temporary lockdown.


Kasabay nito ang payo sa publiko na magbasa at kumuha ng tamang impormasyon sa mga legit Facebook pages upang hindi malito o mabiktima ng fake news.


Bilang babala sa sinumang pasaway, may kulong at multang mula P20,000 hanggang P50,000 ang mga mahuhuling nagpapakalat ng pekeng balita o impormasyon sa ilalim ng Republic Act 11332 o the Law on Reporting of Communicable Diseases.


Mas mainam din sana kung masasampolan ang mga gumagawa nito para hindi na umulit o pamarisan.


Sa panahon ngayon na marami ang gumagamit ng social media para sumikat at kumita kahit labag na sa batas at nakakasama sa kapwa, kailangang maging mas maingat at mapanuri.


Kung may nababasa o napapanood na tiyak naman tayong mali o peke, huwag nang i-share, sa halip ay i-report para ‘di na makapanloko ng iba.


Dapat din tayong maging maingat sa ating mga ipino-post para sa atin mismo magsimula ang responsableng paggamit ng social media.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page