top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Fake news sa COVID-19 vaccine, labanan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2021
1 min read

@Editorial | February 7, 2021



Habang papalapit ang pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19, magkakaiba naman ang ang mga reaksiyon ng publiko.


May mga natutuwa dahil sa wakas, mababawasan na ang takot na lalo pang kumalat ang virus, habang meron ding nagsasabi na hindi talaga magpapabakuna.


Marahil, dahil ito sa mga usap-usapan na sadyang nagdudulot ng pangamba sa publiko. Mahirap talaga kung walang malinaw na paliwanag.


Kaugnay nito, inihayag ng Department of Education (DepEd) na tutulong na rin ang mga guro sa pampublikong paaralan sa paghahatid ng impormasyon tungkol sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.


Sa pamamagitan nito ay maiiwasan na ang pagkalat ng fake news at mas lalong mauunawaan ng taumbayan ang kahalagahan ng bakuna at kung anuman ang kanilang mga gusto pang malaman.


Bagama’t, nilinaw ng pamunuan ng Department of Education na hindi magbibigay ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang mga guro kapag ito ay available na. Hindi sila ang mismong magbabakuna dahil may protocol sa medisina na kung hindi trained medical personnel, hindi talaga dapat isabak sa mga medical procedures.


Malaking tulong na ang pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral tungkol sa vaccine program ng pamahalaan base na rin sa diskusyon kasama ang Department of Health (DOH).


Katuwang sila sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa bakuna at bago ‘yan, siyempre, dapat silang i-brief nang husto upang malaman nila ang mga benefits o ang protection na maibigay ng bakuna.


Talagang kailangan nating magtulung-tulong upang malampasan ang pandemyang ito. Lahat ng bagay o isyu na makakagulo lang sa sitwasyon ay huwag nang intindihin. Huwag magpabiktima sa tsismis at fake news!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page