Fake news na guminhawa ang buhay ng mga Pinoy sa ilalim ng Duterte administration
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 5, 2022
SURVEY NOONG JUNE 2022 NA 48% PAMILYANG PINOY ANG MAHIRAP, ANG PATUNAY NA FAKE NEWS NA GUMINHAWA ANG BUHAY NG MGA PILIPINO SA ILALIM NG DUTERTE ADMINISTRATION—Sa survey ng SWS nitong Hunyo 2022 o sa huling buwan ng panunungkulan ni ex-P-Duterte, pumalo na sa 48% o halos kalahati ng populasyon ng pamilyang Pinoy ang nagsabing sila ay mahirap.
Ang survey ang patunay na fake news ang ikinakalat sa social media ng mga DDS na guminhawa ang pamumuhay ng mga Pilipino sa ilalim ng Duterte administration!
◘◘◘
DAPAT KUNG MAY IPAMIMIGAY SI SEN. PIA CAYETANO SA MGA KAPWA NIYA PULITIKO, DAPAT MAY IPAMIGAY DIN SIYA SA MGA POOR—Hindi nagustuhan ng netizens ang pagpapa-media ni Sen. Pia Cayetano habang namamahagi ng water tumblers sa mga kapwa niya mambabatas kaya't binatikos nila ang senadora.
May punto na magalit ang netizens kay Sen. Pia kasi sa dami ng naghihirap ngayon, dapat kung may ipamimigay ang senadora sa mga kapwa niya rich na senador, dapat may ipamigay din siya mahihirap nating kababayan.
◘◘◘
HINDI PA PALA TAPOS ANG ATAKE SA MGA TAONG-SIMBAHAN—Ang akala ng mga Katoliko nang matapos na ang termino ni ex-P-Duterte bilang pangulo ng bansa ay tapos na rin ang pang-aalipusta at pag-atake sa mga alagad ng Diyos kasi noong panahon ng dating Pangulong Duterte ay madalas nitong atakehin ang mga obispo, pari, at pati nga ang Diyos ang iniinsulto nito.
'Yun pala ay kahit panahon na ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos (PBBM) ay hindi pa tapos ang mga pag-atake sa mga taong-simbahan, tulad nang paninirang ginawa ni Derek Darryl sa mga madre sa Cebu na pinalabas niyang mga sugalera.





Comments