top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Fajardo, no. 1 sa PBA MVP Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 11, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 11, 2022



Bidang-bida para sa karera sa pagka-Most Valuable Player si 47th season Philippine Cup conference best player at six-time league MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer kasunod ng pambihirang pagtatapos at kampeonato sa nagdaang All-Filipino Cup para sa kanilang ika-28 titulo sa kasaysayan at ika-10 sa mga purong Pinoys.


Nakopo ng 6-foot-10 center ang pinakamataas na average pagdating sa statistical points matapos pangunahan ang Beermen para tagpasin ang dating nagdedepensang kampeon na TNT Tropang Giga sa winner-take-all Game 7 noong nagdaang linggo.


Kumulekta ang 32-anyos na tubong Compostela, Cebu ng kabuuang 42.6 sps mula sa averages na 18.7 points, league-best 14.2 rebounds, 3.1 assists, at 1.3 block shots sa loob ng 26 games na nilaro, kabilang ang kabuuang finals na nagtapos sa tambakang laro sa 119-97 sa Smart Araneta Coliseum.


Naging matindi ang pagbabalik sa kampeonato ni Fajardo at ng Beermen na matapos magtamo ng fractured right tibia na nagpa-upo sa kanya sa kabuuang season, muling naibalik ng 2012 first overall pick ang dating dominanteng laro upang makuha ang Best Player of the Conference at Finals MVP.


Sumegunda kay Fajardo ang kakampi at first-time champion na si CJ Perez sa statistical race na may 37.9 points matapos umararo ng 18.4 points, 6.3 rebounds, at 4.9 assists, habang pinagbidahan nito ang liga sa steals sa 2.5 per game. Pumangalawa rin 2019 Rookie of the Year at two-time scoring champion sa BPC race at Finals MVP selection.


Nakabuntot naman sa dalawang Beermen ang tatlong Brgy. Ginebra players na sina reigning MVP at do-it-all guard Scottie Thompson na nasa No. 3 na may 37.8 sps (16.7 points, 9.1 rebounds, 5.9 assists, 1.5 steals).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page