Facebook sa ‘Pinas, ipasasara ni P-Digong, pahinga lahat!
- BULGAR

- Sep 30, 2020
- 1 min read
‘Pag nawala ang Facebook sa ‘Pinas, kagugulatan ng buong mundo si P-Digong!
ni Ka Ambo - @Bistado | September 30, 2020
Ipasasarado ni P-Digong ang Facebook.
Walang imposible!
◘◘◘
Lumalabas na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Facebook ang Republika ng Pilipinas.
Ha-ha-ha!
◘◘◘
Kapag nawala ito sa ‘Pinas, kagugulatan ng buong daigdig si P-Digong.
Ipinapakitang tunay na ‘strongman’ si P-Duterte higit kina Trump at Putin!
◘◘◘
Puwedeng alisan ng “business permit” ang Facebook bilang parusa sa pag-delete ng government-friendly account.
Esep-esep ang FB executives!
◘◘◘
Mas mainam ay suspendihin muna sila ng isang linggo.
‘Yan ang totoong lockdown!
◘◘◘
Mas mainam at super-excited lahat na makapahinga ang buong Pilipinas.
Kapag inalis ang Facebook—pahinga muna tayo lahat.
He-he-he!
◘◘◘
Masyado na nitong nilalamon ang buhay ng tao.
Inaakala ng Facebook na sila na ang “may-ari” ng sibilisasyon!
◘◘◘
Noon ay imposibleng maisarado ang ABS-CBN at masibak si ex-SC chief justice Lourdes Sereno gamit ang “quo warranto”—pero naganap ito.
Mas bibilib talaga ako kapag naitiklop ang Facebook—kahit isang linggo lang!
◘◘◘
Imbes na ang gobyerno ang may control ng kaisipan ng mga Pinoy—ito ngayon ay naiimpluwensiyahan ng mga dayuhan.
Dayuhan ang naghahari sa ating bansa.
Dapat silang masampolan!





Comments