top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Face-to-face job fair, aarangkada

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 5, 2021
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 05, 2021



Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang tumama ang pandemya, magkakaroon na ng face-to-face job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE).


Dahil daing ng mga aplikante na mahirap mag-apply online, gagawin nang online at face-to-face ang anniversary job fair ng DOLE sa susunod na linggo, kung saan nasa 8,000 trabaho ang iaaalok sa naturang job fair.


Ang mga may gusto ng face-to-face application sa NCR, puwedeng mag-register sa jobquest.ph para malaman kung kailan pupunta dahil kailangan pa rin umanong kontrolin ang bilang ng mga tao sa venue.


Gayundin, iba-iba ang schedule kada rehiyon, kaya dapat alamin muna ang detalye sa mga DOLE regional office.


Karamihan sa 8,000 job vacancies ay sa IT at BPO, pero mayroon na ring lumilitaw na oportunidad sa agrikultura, sales at health sector. May mga trabaho rin sa ibang bansa para sa mga nurse, baker, auto-mechanic, household service worker at kitchen crew.


Ngunit paalala ng DOLE, matindi ang kompetisyon ngayon dahil sa dami ng jobseeker, kaya mahalagang ipakita ng mga aplikante ang kakayahang humawak ng iba’t ibang uri ng trabaho.



Matatandaang base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 8.9% o 4.25 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Setyembre ngayong taon.


Kaya naman, magandang oportunidad ito para sa mga kababayan nating naghahanap ng trabaho.


Para kasi sa iba, mas maganda ang face-to-face application kaysa sa online dahil mas naipakikita umano nila ang kaya nilang gawin.


Paalala lang sa mga organizer ng job fair at aplikante, pairalin ang pag-iingat at disiplina.


Maiwasan sana ang pagdagsa ng mga nagbabaka-sakaling maghanap ng trabaho upang walang maganap na hawahan dahil hangad natin ang ligtas na face-to-face job fair para sa lahat.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page