Face-to-face classes, ‘wag ipilit kung ‘di talaga kaya
- BULGAR

- Dec 28, 2020
- 1 min read
ni Ryan Sison - @Boses | December 28, 2020
“I am cancelling the order I gave few days ago, few weeks ago to Sec. Briones of the Education Department to suspend everything, all activities of children especially face-to-face classes.”
Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa dry run ng face-to-face classes, na planong gawin sa mga paaralan sa lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Bagama’t naghahanda na ang DepEd para sa dry run, naninindigan ang pangulo na hindi ito dapat ituloy dahil sa natuklasang bagong strain ng coronavirus disease sa United Kingdom, na pinaniniwalaang mas nakakahawa.
Matatandaang, noong inanunsiyo na magkakaroon ng dry run ng face-to-face classes sa susunod na taon, umani ito ng iba’t ibang opinyon mula sa mga magulang at guro.
Lamang ang mga nangangambang malagay sa panganib ang kanilang mga anak kumpara sa mga pabor sa nasabing kautusan. Gayunman, iginiit ni Sec. Briones na mas ligtas ang mga estudyante sa paaralan kesa sa tahanan, bagay na lalo pang ikinainis ng publiko.
Siguro nga, hindi pa talaga dapat pabalikin sa paaralan ang mga bata gayung may panibago na namang banta ng COVID-19.
Tutal, halos nakapag-adjust naman na ang karamihan, sikapin nating mapabuti pa ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng distance learning.
‘Ika nga, ‘wag nating ipilit kung hindi pa talaga kakayanin. Mas mabuting magpokus muna tayo sa kasalukuyang problema kesa maghanap ng panibagong sakit ng ulo.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Comments