Face-to-face classes sa QC, suspendido dahil sa matinding init

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 1, 2024

Inatasan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga day care, elementarya, at sekondaryang pampublikong paaralan at ALS na gawing asynchronous/synchronous classes ang mga face-to-face classes bukas, Abril 2.
Ayon sa opisyal na Facebook page ng lokal na pamahalaan, ipinakita ng QC iRISE UP system na tinatayang aabot sa 41°C ang init bukas, araw ng Martes.
Base naman sa Memorandum Circular No. 10-A series of 2022 na alinsunod sa DepEd Order No. 037 series of 2022, ipinauubaya sa mga pribadong paaralan ang pagpapasya kaugnay sa pagpasok ng mga bata, ngunit hinihikayat na sundin ang mga pambansa o lokal na anunsyo.





Comments