Fabella Hospital, isasara, stop sa pagtanggap ng pasyente

ni Lolet Abania | October 23, 2020

Isasara ang ilang units sa Doctor Jose Fabella Memorial Hospital mula October 24 hanggang October 27 para sa gagawing disinfection laban sa Coronavirus.
“Upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasyente at empleyado ng Fabella, sa darating na ika-24, 25, 26 at 27 ng Oktubre 2020 (Sabado, Linggo, Lunes at Martes), ang OB, emergency room, pediatric emergency room at out-patient department ay pansamantalang isasara at hindi tatanggap ng pasyente upang magsagawa ng pangkalahatang paglilinis ng ospital,” ayon sa ibinigay na statement ng pamunuan ng Fabella.
“Humihingi po kami ng pang-unawa sa kapanahunang ito. Maraming salamat po at ingat po tayong lahat,” dagdag na pahayag ng pamunuan ng ospital.
Una nang nai-report na marami nang tinamaan ng COVID-19 sa kanilang mga health workers. Gayunman, kinukumpirma pa ng Department of Health (DOH) kung may kaugnayan ang pagdami ng kaso ng mga health workers na nagkakaroon ng infections sa temporary closure ng ilang units ng pampublikong ospital.





Comments