top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Eyeshot, Smiling Lady kakasa sa Condition Race 

BULGAR
Mar 16, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 16, 2022


Bakbakan ang pitong kabayong kalahok sa Condition Race (21) na ilalarga sa unang karera ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Kabilang sa mga makikipagtagisan ng bilis sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Eyeshot at Smiling Lady na rerendahan nina OP Cortez at GV Mora ayon sa pagkakasunod.


Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Viscerion, Sir Joaquin, Alezzandro at Rain Rain Go Away. "Race 1 pa lang tiyak na magandang laban na agad ang mapapanood kaya dapat mapag-aralan kung ano ang tatayaan," saad ni Alfred Gaston, veteran karerista.


Maliban sa nasabing karera, inaasahang aabangan ng mga karerista ang carry over sa Pentafecta at Super 6.


Sa unang karera paglalabanan ang P16,253.99 sa Pentafecta habang sa race 2 ang Super 6 na may carry over na P15, 562.63. Paniguradong mahihirapang pumili ang mga karerista ng kanilang tatayan sa pangalawang karera para puntiryahin ang carry over sa Super 6 dahil may 12 kabayo ang kalahok sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System.


Una sa listahan ng mga kalahok ay sina Classic Princess, Marino Ng Tanglaw, Kid Kenshin, Ultimate Cat, Avenue Shopper, Light And Shade, Yoshiko, Galing Sa Mabait, Wessfacckol, Dancer's Image, Jolo's Pride at Hayaku Jabez.


May added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line habang hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P5,000.


Samantala, walong karera ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Miyerkules kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Headmastership (3), Eyeshot (4), Smiling Lady (6)

Race 2. Wessfacckol (9), Light And Shade (6), Kid Kenshin (3)

Race 3. Double Rock (5), Kusing (1), Hannah Rosa (3)

Race 4. Stand By Me (6), Security Supreme (2), Jacqueline (9)

Race 5. Geneva (3), Sir Jaason (6)

Race 6. Since When (5)I'll Be There (7), Seven Of Diamonds (1)

Race 7. Siquijor (6), Jawo (3), Fortune Island (8)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page