top of page

Extra pa lang daw siya nu’n… JENNYLYN, TANDANG-TANDA PA RIN ANG FIRST TIME NILA NI JOHN LLOYD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2025
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 29, 2025



Photo: Sina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa pelikulang Just The 3 of Us - SC


Nagbalik-tanaw si Jennylyn Mercado noong time na isa siyang extra sa John Lloyd Cruz-Bea Alonzo Kapamilya TV series na Kay Tagal Kang Hinintay (KTKH).


Sa pagiging extra nagsimula ang showbiz career ng Kapuso actress. Sa vlog niya, nag-reflect si Jen sa kanyang first TV role sa ABS-CBN drama series na KTKH noong 2002 hanggang 2003, kasama pa sina Lorna Tolentino, Edu Manzano at Shaina Magdayao.  


Ayon kay Jen, ang eksena nila ni JLC ang nagmarka sa kanya on her television debut, even before she joined StarStruck


Deklara niya, “‘Yung eksena namin ni John Lloyd, ito ‘yung pinakauna kong guest appearance sa TV. Wala pa ako sa StarStruck noon. So, parang ang Tita Becky (Aguila, talent manager), ang sabi lang, eh, kailangan ng kaeksena ni John Lloyd.


“Akala ko naman, extra lang ako, maglalakad lang ako, ganyan. Tapos, magha-hi or nabangga lang. ‘Di ko naman alam na pagseselosan pala ako ni Bea dito with English lines,” natatawa niyang sabi.  


Hindi niya sukat-akalaing pagkatapos ng ilang taong lumipas ay muli niyang makakatrabaho ang aktor sa isang pelikula ng Star Cinema noong 2016, sa romantic-comedy film na Just The 3 of Us (JT3OU).


Aminado siyang na-pressure nang malamang si Lloydie ang makakatrabaho niya.  

“Hindi rin ako nag-e-expect ng kahit ano, pero siyempre, ‘yung mga ginawa n’yang pelikula, puro blockbusters, so nakakatakot, baka ‘di ko mapantayan.  


“Medyo matagal po talaga akong nakakapag-adjust, hindi lang sa set, sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.”  


Despite the challenges, na-prove ni Jen sa sarili na isa siyang aktres sa mga award na natanggap. Nag-umpisa bilang extra na ngayon ay tinatawag nang Ultimate Star.  


Oooops… speaking of John Lloyd Cruz, matagal nang hindi nagpaparamdam ang aktor sa industriya. May balak pa kaya itong magbalik-pelikula?  



May madamdaming tribute si Judy Ann Santos para kay Gloria Romero na pumanaw nu’ng January 25.


Sa Instagram (IG) account ng aktres, nag-post siya ng pasasalamat sa lahat ng magagandang memories nila ng late veteran actress.  


Aniya, “Thank you for the beautiful memories, Tita Gloria. Hindi ko makakalimutan ang mga yakap mo, paghawak mo sa kamay ko ‘pag tawang-tawa ka, paghaplos mo sa mukha ko… at ang napakaamo mong mga ngiti. Fly high, Tita Gloria. Our industry will forever be grateful to you.”  



KINAALIWAN ang viral video ni Dingdong Dantes habang nag-o-autograph sa isang sitsirya. Ibinahagi ng aktor-host ang video kung saan makikitang sinalubong siya ng kanyang mga tagahanga. Isa sa mga ito ay may hawak ng snack na kapangalan ng aktor na kadalasang nagagamit sa mga memes online.  


Inabot ng fan kay Dingdong ang sitsirya para magpa-autograph, at masaya namang pinaunlakan ito ng aktor.  


Hirit pa ni Dingdong sa comment section ng kanyang ibinahaging Facebook (FB) reel, “Signature over printed name ulit.”


Naghatid ng saya sa social media ang ginawa ng aktor. Umani ng libu-libong reactions at shares ang naturang video, patunay na talagang mahal ng publiko ang Kapuso actor hindi lamang bilang aktor kundi bilang personalidad na marunong makisama at magpahalaga sa kanyang mga fans.  

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page