top of page
Search
  • BULGAR

Extra-effort sa pag-dispose… Hindi dapat tinatratong parang normal na basura ang health-care waste

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | February 10, 2022



Nasa 1,000 metric tons ng health-care waste ang nakokolekta araw-araw sa bansa, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.


Dahil sa kapabayaan sa pagtapon ng mga ito, kamakailan lamang ay pitong bata sa Catanduanes ang namatay dahil sa paglaro sa medical waste na natagpuan nila sa dalampasigan.


Tiyak na madaragdagan pa muli ang medical waste dahil sa pag-apruba sa paggamit ng COVID-19 home test kits.

☻☻☻


Matinding problema, hindi lang sa kalikasan, kundi pati na rin sa kalusugan, ang isyu ng medical waste.


Kung kaya, nananawagan tayo sa DENR at maging sa Department of Health na lumikha ng komprehensibong medical waste management plan.


Iminumungkahi rin natin na magkaroon ng information drive tungkol sa tamang disposal ng mga home test kits upang malaman ng mga kababayan natin na hindi ito dapat tinatratong parang normal na basura.


Kung hindi gagabayan, sa basurahan babagsak ang mga ito. Sa sistema ng marami na iniiwan na lang sa kanto o bangketa ang mga plastic garbage bags, malaki ang tsansa na makalkal ito ng mga hayop at mangangalakal.

☻☻☻


Noong Martes, February 8, nagsimula na ang official campaign season para sa mga tumatakbo sa national positions.


Nananalangin tayo na maging ligtas ang pagsagawa ng kampanya ng mga kandidato at hindi ito magdudulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Napakaraming hamon sa pagsagawa ng kampanya, ngunit umaasa tayong magtutulungan tayong lahat nang masiguro na manatiling ligtas ang lahat.


At sa pagpili natin ng kandidato, isaisip sana nating kilatisin ang mga napupusuan natin. Makinig sa mga plataporma at tingnan ang track record kung may nagawa na.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page